Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gusto mo bang maging drayber, inhinyero ng tren ?

0 333

Sa isang panayam, ihihayag ni Transportation Undersecretary Timothy John Batan na meron lamang 77 kilometro ng riles sa buong bansa noong 2016.

Ayon sa plano ng Department of Transportation, palalawakin hanggang 1,900 kilometro sa pamamagitan ng 64 na proyekto sa ilalalim ng Build, Build, Build Program. May mga matatapos sa 2022, samantalang ang iba ay nakaumpisa na ng konstrukyon sa nasabing taon.

Lima sa mga eto ay ang malalaking proyekto ng Metro Manila Subway, MRT-7, LRT-1 Cavite Extension, LRT-2 East Extension, at PNR Clark Phase 1.

Walong malalaking proyekto naman ang nakatakdang simulan anumang oras. Eto ang PNR Clark Phase 2, PNR Calamba, PNR Bicol, Subic-Clark Railway, Mindanao Railway, LRT-2 West Extension, MRT-4, at Cebu Monorail.

Sa tantiya ng DOTr, mangangailangan ng 10,000 hanggang 15,000 personnel para patakbuhin nang maayos ang mga train. Saan kaya manggagaling ang mga ito?

Muli kong nakapanayam si Ms. Ms. Anna Tayag, Project Development Officer ng DOTr para sa railway, para ibahagi ang plano ng kanilang ahensiya ukol dito.

Kung hindi pa ninyo nababalitaan, nagtayo ang ating pamahalaan ng PHILIPPINE RAILWAY INSTITUTE, ang kauna-unahang research and training center para sa mga sasakyang de-riles. Eto ang mangunguna sa pananaliksik sa pamamahala, operasyon at maintenance ng mga train, kasama ang pagsasanay sa mga tauhan ng mga train operators.

SM food to go Banner Ad

Naitayo ang PRI sa bisa ng Executive Order No. 96 ni Pangulong Duterte noong Nobyembre 21, 2019 at inilagay sa pamamahala ng DOTr. Naitatag eto sa pakikipagtulugan ng gobyernong Hapon na nagbigay ng pondong Y690 milyon mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA).

Pagkatapos pumasa ang kurikulum ng PRI noong 2019, sinimulan ang pagsasanay sa mga tauhan nito sa Tokyo Metro Railway Institute ng Japan mula Hulyo hanggang Disyembre 2019. Hindi naman kaila na Japan ang nangunguna sa Asia kung tren ang pag-uusapan.

Sa paliwanag ni Anna, magtutuon ang PRI sa pagtuturo at pagsasanay sa phase 1 ng operasyon. Sa kalaunan, gagampanan din ng PRI ang pagbibigay ng sertipikasyon sa mga drayber at inhinyero ng tren sa bansa, at sa mga pribadong paaralan na gustong pumasok sa pagsasanay.

Ang kurikulum ng PRI ay nahahati sa apat. Una ay ang “Refresher Course” na ibinibigay sa mga kasalukuyang tauhan ng train gaya ng LRT 1&2, MRT3 at PNR. Kasama sa kurso ang passenger management, fare ticketing management at pagmamaneho ng train. Ginagawa ang pagsasanay ng mga instructor ng PRI, sa tulong ng mga eksperto mula sa Tokyo Metro Co. Ltd.

Ikalawa ang “Fundamental Training Course” na sisimulan nang ibigay sa Hunyo 2021. Eto ay para sa mga new recruits, new graduates ng high school at universities; mas detalyado at specialized kaysa sa refresher course.

May kurso naman na “Capacity and Development Course” na gagawin kada 5 taon upang i-update ang mga tauhan sa train sa mga bagong teknolohiya at batas na sumasaklaw sa railway.

Ang “Supervisory / Management Training Course” naman ang kurso para sa mga antas ng supervisor at manager para sa mahusay pamamahala sa operasyon ng mga train.

Ang PRI ay kasalukuyang pinamumunuan ni DOTr Usec Anneli Lontoc. Sa mga interesado, maari kayong magpadala ng sulat sa pri.pmo@dotr.gov.ph

Leave A Reply

Your email address will not be published.