Abante Tonite Interactive

Gustong gamitin ang surname ng ama

321

Atty. Claire Castro

Dear Atty. Claire,

Ako po si Evelyn Carbo Delosendo 27years old. Tanong ko lang po kung anung process at requirements para magamit ko ang surname ng tatay ko..Pinanganak po muna ako bago sila ikasal. Ang nasa PSA ko po ngayon apelyido ng mama ko.

Maraming salamat po,
Evelyn

Related Posts

Ms. Evelyn,

I presume na noong ikaw ay ipinagbuntis at ipinanganak ng nanay mo ay pareho naman walang impediment ang mga magulang mo kung ninais nilang magpakasal noon. Ibig sabihin sila ay parehong binata at dalaga o kaya naman ay biyudo at biyuda nang ikaw ay ipa­nganak. Kapag ganyan ang sitwasyon mo ay mas madali mong maaayos ang apelyido mo at isunod ito sa tatay mo.

Ang gagawin mo lamang ay mag-secure ka ng certified true copy ng marriage certificate ng mga magulang mo, birth certificate mo pati na ng certificate of no marriage na magpapatunay na wala silang ibang existing na kasal bago ka pinagbuntis at pinanganak. Pumunta ka sa Local Civil Registrar kung saan nakarehistro ang kapanganakan mo at mag-file ng application for legitimation. Kakaila­nganin mo ang affidavit o salaysay ng mga magulang mo tungkol sa kung ano ang sitwasyon o status nila noong ikaw ay pinagbuntis, tulad ng sila ay binata at dalaga, kailan sila ikinasal, sino ang nagkasal, saan nakarehistro ang kasal at iba pang importanteng devalue tungkol sa pagkapanganak mo.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 922 0245 o 410 7624 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com