Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gustong mabuntis

0 161

Ang pamilya ang pinakaimportanteng yunit ng pakikipagugnayan sa isa’t isa, sa pagaaruga, responsibilidad at pagmamahalan. Ito ang hinaharap ng dalawang taong nagmamahalan. Ngunit sa kagustuhan na makasiguro ng stabilidad, tumatagal ang panahon mabuo ito. Ang tanong sa atin ngayong linggong ito, ano ba ang pinakamagandang edad mabuntis? Masyadong inaasikaso muna ang kaniyang career, habang nagiipon din silang mag-asawa. Huli na ba mag dalang tao kapag lumagpas na ng 35 ang isang babae? Makasasama ba ito sa sarili at sa bata?

Sa totoo lang, oras na datnan ang isang babae (menarche), hanggang ito ay tumigil (menopause), maaari syang mabuntis at magdalangtao. Ito ang tinatawag na reproductive age namaaaring magmula 12 hanggang 51. Kung mas maagamagbuntis, mas maganda ang kalusugan ng ina, kaya mas makabubuti ito sa kalusugan ni baby. Nababawasan din ang kumplikasyon na maaaring manggaling sa pagbubuntis at panganganak. Ngunit isa lang ang edad sa mga napakadamingkailangan isaalang-alang kung gusto magbuntis. Ang iba pang kailangan ay ang suporta ng pamilya at kamaganakan. Asahanna titigil ang mundo ninyo lalong lalo na sa career. Isipin dinang gastusin mula ng magdalangtao, manganak, at habangpinapalaki ang bata.

Kung mas may edad na, mas may seguridad na at maaaringnakapagipon na ng mabuti para sa mga gastusin. Di lang sapanganganak, kundi sa pang araw-araw na pangangailangan ng pamilya, lalong lalo na ni baby. Kaya lang, habang tumatanda, mas pwedeng magkaroon ng mga karamdaman tulad ng gestational diabetes, pagtaas ng BP, preeclampsia, placenta previa, premature na panganganak, stillbirth o makunan, pagdurugo, mga chromosomal abnormality gaya ng Down’s syndrome, at pangangailangan na macesarian section o operasyon imbes na natural na panganganak o vaginal birth.

Kung gusto nang magka-anak, maaring sundin ang mga itoupang mas lumaki ang chance na mabuntis. 1) Alamin ng mabuti ang timing ng pagreregla nang malaman ang pinakafertile na panahon. 2) Maging malusog at makamit ang tama at mainam na timbang. 3) Tumigil manigarilyo. 4) Ayusin ang pagkain ng mabuti. 5) Iwasan ang kape at alak. 6) Kung may mga karamdaman, magpatingin ng maayos ang mga ito. At, 7) Magpatingin ang mag-asawa sa isang Obstetrician-Gynecologist para sa pinakamagandang payo sa pagbubuntis at paguumpisang pamilya.

Wala talagang tamang pormula kung pagbuo ng pamilya ang pinaguusapan. Ang iba ay biglaan nailalagay sa sitwasyon, at ang iba naman ay nahihirapan dito. Ang mas mahalaga ay orasna magdesisyon, at makabuo, siguruhing tuloy tuloy ang pagganap ng responsibilidad.

Hanggang sa susunod na Huwebes! Stay Healthy! Stay safe!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA rofiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib saDWIZ882 tuwing linggo 11am-12nn) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.