Abante Tonite Interactive

Gustong mag-ampon ng apo

By
1,964

Dear Atty. Claire:

Magandang umaga, hapon sa inyo.

Nais ko lang magtanong. Married sa church ang anak kong lalaki. Subalit hindi nagtagal dahil nag-abroad ang anak ko. Hindi nakatiis ang asawa niya at  nagkahiwalay. Ang mother ay may pamilya ng iba.

Mayroon po sila anak na lalaki, apo namin sa kasalukuyan, at 10 years old siya last December 7, 2015, sa simula pagka-bata ay kami ang nag-aalaga. Bilang lolo at lola ay puwede ho ba naming ma-adopt ang aming apo? Saan po at paano po mag-sisimula?

Salamat po.

MCabello

 

MCabello,

Bilang mga lolo at lola ay pwede po ninyong ampunin ang inyong apo. Ngunit kakailanganin ninyo ang consent ng bata dahil siya ay 10 taong gulang,  mga magulang ng bata at ng inyong anak na may edad 10 pataas. Ayon sa ating batas, RA 8552:

Section 9. Whose Consent is Necessary to the Adoption. – After being­ properly counseled and informed of his/her right to give or withhold his/her appro­val of the adoption, the written consent of the following to the adoption is hereby required:

(a) The adoptee, if ten (10) years of age or over;

(b) The biological parent(s) of the child, if known, or the legal guardian, or the proper­ government instrumentality which has legal custody of the child;

(c) The legitimate and adopted sons/daughters, ten (10) years of age or over, of the adopter(s) and adoptee, if any;

(d) The illegitimate sons/daughters, ten (10) years of age or over, of the adopter if living with said adop­ter and the latter’s spouse, if any; and

(e) The spouse, if any, of the person adop­ting or to be adopted.

Kapag po puma­yag ang biological pa­rents ng bata ay maaari nang simulan sa pamamagitan ng pagka-usap sa assigned na social worker­ sa inyong lugar upang makagawa siya ng case study at magkaroon ng pakikipag-usap sa biological pa­rents ng bata para madetermina kung tanggap at handa na sila sa pagpapa-adopt ng kanilang anak.  Kapag naging maayos ang mga ito ay maaari na kayong magsampa ng petition for adoption sa korte at doon aalamin kung sa ikabubuti ba ng bata ang planong pag-ampon.

Mas mainam po kasi na preparado ang mga ito kaysa magsampa kaagad kayo ng petition at kapag lumabas sa case study na hindi dapat o hindi maaaring isagawa ang pag aampon ay lubhang masasayang lang ang lahat ng effort at oras. Kapag nagsampa kaagad ng Petition for Adoption ay ipag-uutos din ng korte na dapat na maipakita na nagkaroon ng counselling sa mga biological parents at ipag-uutos din na gumawa ng  case study  ang social worker.

Mas magandang makipag-ugnayan sa assigned social worker sa inyong lugar.

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410 7624 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com.