Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gustong Saniban ng Ekstra-Terestriyal

0 249

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo nakakita na ba kayo ng Ekstra-Terestriyal o ET? O kaya may pagkakataon ba na nakausap niyo ang ET o gusto kayong saniban?

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Likas na psychic si Adela ng Las Piñas kaya’t hindi na bago sa kanya na makakita ng mga kakaibang nilalang sa paligid.

Minsan habang nagpapahinga sa kanyang bahay ay nakaramdam siya ng kakaiba at merong gustong makipag-communicate sa kanya. Alam niya hindi ito multo o elemento kundi ET.

Naramdaman na lang niya na tila inaantok siya pero nagtataka siya kagigising lang niya at gusto lang niya manood sa telebisyon.

Misteryo: “Sabi mo inaantok ka ng sandaling yun. Baka naman kulang ka sa tulog kaya kailangan mo uli matulog•

Adela: “Busog na ang mata ko nun sa tulog kasi kagigising ko nga pero nagtaka talaga ako hikab ako ng hikab.”

Misteryo: “So anong nangyari? Talaga bang gusto kang kausapin ng ET? Tama ba yun sabi mo gusto ka niyang saniban?”

Adela: “Ganun nga ang gusto niya. Pero mukhang hindi pa kaya ng katawan ko enerhiya nila sobra kasing lakas. Hindi ko rin siya kayang makausap kasi sumasakit ang ulo ko. Pero may naramdaman akong gustong pumasok sa katawan ko simula ulo pababa.”

Misteryo: “Paano yun para ka bang gustong saniban? Nagawa ba niya? Anong pakiramdam mo?”

Adela: “Grabeng antok ko tapos pakiramdam lumalaki ulo ko. Then naninigas bibig ko gustong magsalita na hindi ko kontrolado. Pero sandali lang yun then nawala na.”

Misteryo: “Hindi siya nakapagsalita gamit bibig mo? Ano pa nangyari? Nakita mo ba yung gustong sumanib sayo na ET?”

Adela: “hindi ako pero nakita siya ng alaga kong pusa sa tabi ko. Nakatingala siya ng mataas sa gawing ulo ko at natatakot siya, nanginginig. Kaya lang hindi ko siya agad nahawakan kasi hindi pa ako agad makagalaw, pero Ilang segundo lang nawala na yung bad feeling ko, nakakilos na ako.”

Misteryo: “After ba nun? May attempt pa ba na saniban ka?”

Adela: “Yes pero hindi talaga kaya ng katawan ko so pinag-aralan ko na lang na kausapin siya. Eventually I did kaya ko ng gawin.”

Ang karanasan ni Adela maaari ring maranasan ng iba pero I suggest wag tayo matakot. Hindi naman lahat ng ET ay masama in fact marami sa kanila ang tumutulong sa tao.

Para sa inyong mga kuwentong paranormal, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.