Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gutom na mga tao! Iloilo mayor nagpasaklolo sa DOH

0 105

Kinalampag ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang pambansang pama­halaan para sa hininging tulong gaya ng bakuna, hospital staff at kagami­tan sa ospital para malabanan ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ng alkalde na kung ano ang ginawa sa NCR Plus 8 ay dapat ganito rin ang gawin ng gobyerno sa iba pang local government units na ngayon ay inaatake ng virus.

SM food to go Banner Ad

Naiparating na aniya niya sa Department of Health (DOH) at kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang kanilang mga kailangan subalit tila makupad ang aksiyon ng national government.

“The only way we can really stop the surge or flatten the surge is if we flood also LGUs outside Metro Manila or NCR+8 with vaccines–that’s the only way. You did it in the NCR+8, perhaps, you should do it here. We need vac­cines, we need help here in Iloilo City,” ani Treñas.

“Gutom na mga tao. May tulong ang LGU pero hindi sapat. Ang hingi ko lang sa DOH, mga Pilipino rin kami. Hindi kami kasama sa NCR Plus 8 pero Pilipino rin kami, sana marinig ninyo ang tawag namin, marinig ninyo rin ang aming hini­hingi at saka matulungan ninyo kami kasi Pilipino rin kami,” dagdag niya. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.