Abante Tonite Interactive

Gutom ni Angelica inireklamo sa publiko

535

Umani ng samu’t saring reaksyon ang naging post ni Angelica Panganiban sa kanyang Twitter account na may kinalaman sa paghahanap niya ng pagkain sa shoot ng kanyang bagong proyekto.

Sey niya: “From now on. Hindi na ko maghahanap ng pagkain sa shoot. Attitude pala ang tawag dun. Sorry ha? Nahihiya ako sa inyo. (Nag-alok naman kasi ng kape).”

Dahil dito, may ibang netizen na hindi nasakyan ang kanyang hanash.

Anila, baka raw naman talagang lumaki na ang ulo ng aktres at pati ang paghahanap ng food ay ginawang isyu sa kanyang socmed account.

Lumalabas tuloy na nagiging demanding na si Angge dahil pati ang himutok niya tungkol sa kanyang gutom ay inilalabas sa publiko.

Ito ang ilan sa mga naging komento ng netizens sa kanyang hugot:
“Back to old habit si ateng. Lahat ng bagay may reklamo si gurl. Baka totoo naman kaya yung attitude na yan. Hmmm.” “Bawal magutom these days..baka may sumpong lang angge kaya nagalit.. wala bang budget sa pagkain ang mga artista Kung may shoot?”

“Maldita naman talaga yan. Kahit dati pa.” “Baka kasi yung way ng paghahanap mo ng food ang dating ay primadonna kaya ka nasabihan ng may attitude.” (Archie Liao)