Abante Tonite Interactive

Guwaping na kambing viral sa socmed

449

By Juliet de Loza-Cudia

Pinagpiyestahan sa social media ang kakaibang larawan ng isang kambing na mula Perak, Malaysia na may kaakit-akit ang itsura.

Nag-viral sa social media ang mga lara­wan ni ‘Remus’ na isa sa mga kambing na inaalagaan ng Muhammad Livestock Farm.

Makikita na tila walang kahirap-hirap sa pag-strike ng pose si Remus sa mga larawang nai-upload ng may-ari ng farm sa Facebook.

“Because he’s handsome, we snap a lot of pictures,”ayon sa kasamang caption na nai­salin sa salitang English.

Nabatid na si Remus ay 11 buwan pa lamang ang edad.

Magmula nang i-post sa Facebook ang mga larawan noong Hulyo 6, umani na ito nang higit sa 1,800 reaksiyon at nai-share na nang may higit sa 4,000 na beses.