Abante Tonite Interactive

Guwapong aktor tinawag na bakla ng parlorista

1,372

NAG-show sa ibang bansa ang isang sikat at guwapong aktor. Maraming bumili ng tickets sa kanyang concert kasama ang iba pang mga artista ng kanilang network pero siya ang talagang pambenta ng palabas.

Kasama sa pakete ng mga shows sa ibang bansa ang promotion. Kailangan nilang magpunta sa iba-ibang establisiyemento para ipaalam sa mga kababayan natin na dumating talaga sila.

May mga prodyuser kasing bogus, magbebenta ng mga tickets pero hindi naman dumarating ang mga ipinangakong artista at singers, kaya kailangang mag-ikot ang mga artistang dumarating sa lugar.

Nagkaroon ng problema ang isang grupo na nagprodyus ng concert ng sikat at guwapong aktor. Ayaw niyang sumama sa promo, sa hotel na lang daw siya, dahil sobra siyang napagod sa biyahe.

Kuwento ng aming source, “E, siya ang main star sa concert, kanya ang show kung tutuusin, kaya hindi puwedeng wala siya sa promo. Nagmamatigas pa siya nu’ng una pero sumama na rin siya.

“Pero hindi maipinta ang mukha niya, hindi man lang siya ngumigiti, kinatatamaran din niyang kumaway lalo na sa pakikipag-selfie sa mga kababayan natin na kinikilig pa naman sa kaguwapuhan niya.

“At heto pa. Kapag may nagtatanong sa kanya ng kahit ano, e, ginagaya lang niya ang nagtatanong, kaya naiinis sa kanya ang mga tao!

“Kunwari, ‘Naku, ang guwapo-guwapo mo naman!’ Ganu’n din ang sasabihin niya, ‘Naku, ang guwapo-guwapo mo naman!’ At nagme-make faces pa siya!

“Pero napahiya siya du’n sa isang nagpa-picture sa kanya, ang akala niya, e, hindi marunong makaintindi ng sward speak ‘yung tao!

“Ang comment kasi niya, ‘Naku, ang syoho ng syubango niya, ha?’ Sinabi niya ‘yun sa katabi niyang singer. Ang sagot sa kanya nu’ng nagpa-picture, ‘Naku, ang pintasero mo naman! Sorry, kung hindi mo gusto ang perfume ko, ito lang kasi ang kaya kong ma-afford!’

“Naloka ang guwapong aktor, naintindihan siya ng nagpa-picture sa kanya! Sa parlor pala kasi nagtatrabaho ang girl, maraming kasamahang beki sa parlor!

“Bago umalis ang girl, e, may iniwanan pang pagsusuplada sa kanya, ‘Naku, ha? Akala mo, hindi ko naiintindihan ang lengguwahe n’yong mga bakla kayo?’

“Shock boogie ang lahat ng mga nakarinig! Diretsong sinabi ng girl na becki ang guwapo at sikat na aktor! Kasi naman!” humahalakhak na pagtatapos ng aming impormante.

Bwahahahahahaha!!!!

Karla insecure kay Melai

KAILANGANG malaman-makarating kay Karla Estrada ang mga komento at emosyon ng ating mga kababayan tungkol sa madalas niyang gawing pambu-bully kay Melai Cantiveros sa kanilang programa.

Akala ni Karla ay wala lang ‘yun, pero dinaramdam pala ng mga manonood, naiinis sila kay Karla dahil madalas niyang sabihan ng bad breath ang co-host niyang komedyana.

Sabi ng isang source, “Akala mo naman kung sino ang Karla na ‘yun! E, kaya lang naman siya nagkaroon ng trabaho, e, dahil sumikat ang anak niyang si Daniel!

“Akala mo kung sino na siyang makaasta! Palagi niyang binabara si Melai, pinagtatawanan niya, tinatawag pa niyang bad breath! Sobrang insecure siya kay Melai, alam niya kasi na magaling ‘yung tao!” buwisit na komento ng aming kausap.

Minsan ay pinanood namin ang kanilang show, Martes nang umaga ‘yun, bago magsimula ang Take It Per Minute… Me Ganu’n habang nagpapaayos kami.

Nasaksihan namin ang pambabara ni Karla kay Melai, kinokontra niya ang opinyon ng komedyana, buti na lang at mabait si Melai at hindi na lang siya pinapatulan.

Sabi uli ng aming source, “Payat kasi si Melai, hindi tulad niyang 200 kilos na yata ang timbang! Bakit hindi na lang siya mag-research kung paano siya papayat?

“Mambu-bully si Karla, kinakayan-kayanan niya si Melai! Pabibo pa siya, palaging siya ang bida sa kuwentuhan ang gusto niya! Puwede ba!” inis pa ring sabi ng aming kakunwetuhan.

Matagal na panahon na kasing pangarap ni Karla Estrada ang maging TV host. Nang sumikat si Daniel Padilla ay naging ekstensiyon siya ng popularidad ng kanyang anak.

Huwag na sana niyang pabayaan ‘yun. Matuto siyang rumespeto ng kanyang kasamahan sa programa para hindi siya nasasabihang bully at bastos.