Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guwapong aktor tinikman ng aging singer-actress

0 263

Usung-uso nu’n ang mga shows sa iba-ibang bansa na ang gobyerno mismo ang namamahala para pasayahin ang mga kababayan nating OFW.

Maramihan ‘yun, may mga artista, may mga singers, masayang-masaya ang tropa kapag nangingibang-bansa sila, du’n din nagsisimula ang kanilang pagkakaibigan.

Sa isang malamig na bansa ay nagkaroon ng milagro. Binata pa nu’n ang isang male personality na guwapo, kilalang-kilala, pamilyado naman ang female personality na nakasalo niya sa kaligayahan.

Kuwento ng aming source, “Hinahanap kasi ng director ng show ang male personality. Pinuntahan na niya ang lahat ng mga kuwarto, pero wala du’n ang guwapong aktor.

“Kailangan kasi siyang kausapin ng director dahil may pagbabago sa sequence guide ng show. Pero hindi siya makita-kita!” umpisang istorya ng aming source.

Umikot pa rin nang umikot ang direktor sa paghahanap sa guwapong male personality, nu’ng magtagal-tagal na ito sa paghahanap, biglang nakita nito ang aktor na lumabas sa kuwarto ng maganda pa ring female personality kahit may edad na.

Balik-kuwento ng aming impormante, “Galing pala si ____(pangalan ng aktor) sa room ni ____(ang may edad nang female personality), pawis na pawis siya, parang pagod na pagod!

“Nakakaloka! Bumiyahe pala sila sa langit nu’ng singer-actress, matindi rin naman ang girl, siya pa ang nakagetlak sa guwapong male personality, samantalang may mga kasama silang ka-age lang ng lalaki.

“Sexy naman kasi ang girl kahit pa mas may edad siya sa guy, maganda rin siya, saka magaling siyang kumanta! Siguro, humanga sa kanya ang guy, kaya pagkatapos ng isang show nila, e, na-curious siya!

“Hindi makapaniwala ang grupo nila na sila pa ang gagawa ng milagro, kasi nga, e, may anak na ang sexy singer! Walang pakialam du’n ang male personality, inamin niya na hindi lang sa stage magaling mag-perform ang girl, sa kama rin!

“Active pa rin sa pag-arte hanggang ngayon ang male personality, pero ang girl, anak na niya ang nag-aartista ngayon!” namamanghang pagtatapos ng aming source.
Ha! Ha! Ha! Ha!
-o0o-
Barbie sinisi sa pagbuyangyang

Tama lang naman ang pagsigaw ni Barbie Imperial na maraming naglipanang bastos ngayon na hinuhubaran ang mga artista sa social media sa pamamagitan ng Photoshop.

Hindi dapat kinukunsinti ang mga walang magawang makatuturan sa kanilang buhay, kinokondena dapat ang mga taong may malaswang pag-iisip, mali ‘yun.

Pero bina-bash pa rin si Barbie, siya ang sinisisi ng mga netizens sa pagbubuyangyang ng kanyang katawan, umaalma ang kanyang mga tagahanga dahil victim blaming daw ang ginagawa ng mga namba-bash kay Barbie.

Sa ganitong sitwasyon ay may punto ang mga pumapansin sa mga artistang nakasanayan na ang paglalantad ng kanilang katawan sa publiko. Tulad ni Barbie Imperial na post nang post ng kanyang retratong sexy ang kanyang dating.

May singkuwenta porsiyentong partisipasyon ang mga ganu’ng artista para sa kanilang pag-iwas na ma-bash. Sa kanila dapat manggaling kung anu-anong larawan lang ang maaari nilang ilabas sa kanilang account.

Sila dapat ang mag-alaga sa kanilang imahe, hindi ang mga nasa labas lang ng kuwadro, sila ang kailangang umiwas sa pambabastos.

Ipaglantaran mo ba naman ang katawan mong dibdib lang at hiyas mo ang natatakpan, ano ang inaasahan mo, ang luhuran ka ng mga kalalakihan?

Natural, mag-iinit ang kanilang dugo, iniimbitahan kasi sila, kaya maraming nauuwi sa paghuhubad sa retrato ng mga artistang may saplot naman kahit kapiraso lang.

Bastos na kung sa bastos ang mga nagpo-Photoshop ng mga retrato, kinokondena dapat talaga ang mga taong ganu’n, pero sino ba ang nang-iimbita sa kanila na mambastos?

Leave A Reply

Your email address will not be published.