Abante Tonite Interactive

Guwapong aktor trip lang ang pamamakla

698

Siguradong hindi aaminin ng isang guwapong young actor ang mga kuwentong pinagpipistahan t­ungkol sa kanya sa kanilang probinsiya na hindi kalayuan sa Maynila.

Dededmahin lang niya ang kuwento, kilala na kasi siya, hindi na niya papansinin ang kung anumang istorya ng kanyang nakaraan dahil baka mas pagpistahan pa.

Pero kuwento ng isang source, “Naku, ha? Huwag siyang magdedenay! Ano ‘yun, sinungaling ang lahat ng mga becking nagkukuwento tungkol sa past niya?

“E, nu’n pa naman ‘yun, hindi pa siya artista nu’n, estudyante pa lang siya. Marami silang magka-kabarkada, natural lang na pumapasok din ang kalokohan sa mga utak nila nu’ng bagets na bagets pa sila!

“Korek! Marami silang magkakabarkadang nakikipag-close sa mga becki para meron silang pangmeryenda at pang-inom! At ano ang kapalit nu’n? Tanungin n’yo na lang si young actor kung ano!” humahalakhak na kuwento ng impormante.

Maraming may type sa young actor kahit nu’n pang nasa high school pa lang siya. Guwapo naman kasi siya, may katawan, malakas na ang dating niya kahit nu’n pa man.

“May starter sila sa tropa nila, ‘yun ang spokesman nila sa mga becki, alam na siguro n’yo kung ano ang nagaganap kapag lasing na sila!

“Anong plantsa-plantsa lang? Hindi kaya! E, bakit memorized ng mga becki ang sandata niya kung ano ang itsura? Part ‘yun ng kabataan niya, magkakatropa silang nagti-trip-trip lang na mamakla.

“Malinaw ang kuwento, ha? Hindi siya hi-nawakan ng isang becki, trip-trip lang nilang magkakaibigan ‘yun, hindi siya nakikipagrelasyon sa becki.

“Hindi niya kailangang magkaroon ng gay benefactor, may kabuhayan showcase ang family nila, kaya siyang tustusan sa mga kapritso niya.

“Pero may becking nagregalo sa kanya ng basketball shoes, aminin niya ‘yun, dahil gustung-gusto niya ang bonggang rubber shoes na iniregalo sa kanya!” pagtatapos ng aming source.
***

Maine-Arjo magtatagal ang relasyon

Maraming pinagkakasunduan sina Arjo Atayde at Maine Mendoza. Pareho silang mahilig sa adventure. Gustung-gusto nilang bumibiyahe dito man o sa ibang bansa.

Umalis sila nang maagang-maaga nu’ng minsan, namasyal lang sila sa Singapore at nagkape-kape, pagkatapos ay umuwi rin sila kinagabihan.

Pareho rin silang diretsong magsalita, hindi uso sa kanila ang paliguy-ligoy, hindi sila nagpapaapekto sa mga bashers na kung anu-anong paninira ang ibinabato laban sa kanila.

Tama lang ang kanilang ginagawa dahil ang importante ay silang dalawa, ang nararamdaman nila para sa isa’t isa, hindi kayang ibigay ng ibang tao ‘yun sa kanila.

Hindi sila nagpapabaya sa kanilang trabaho, inspirasyon nila ang isa’t isa, kaya siguradong magtatagal sina Arjo at Menggay.

Aminado si Sylvia Sanchez na ramdam niya kung gaano kaligaya ngayon ang kanyang binata. Nakikiramdam lang siya, hindi niya pinanghihimasukan ang lovelife ni Arjo, kung maligaya ang magaling na aktor sa piling ni Maine ay kaligayahan na rin ‘yun ni Ibyang.

Matindi ang inabot na hinagpis ni Sylvia mula nang lumabas ang relasyon nina Arjo at Maine. Nu’ng una ay nasasaktan pa siya, pero ngayon ay kinakaya na niya ang masasakit na salitang ibinabato laban sa kanilang pamilya dahil sila naman ang nakakaalam ng kung ano ang totoo at hindi.

Ipakain ba naman sa kanya ang salitang laos na raw kasi siya, kaya kailangan niyang gamitin si Maine para sumikat lang siya, isang malakas na hello nga naman ‘yun!

Ginagamit lang daw ni Arjo si Maine, marunong daw pumili ng kakarelasyunin ang magaling na aktor, dahil mayaman ang dalaga.

Kulang sa research ang mga taong walang magawa sa buhay, sana’y tuntunin muna nila ang family tree ng mga Atayde para sila mismo ang sampalin ng kanilang kunsensiya, ipinanganak si Arjo na may gintong kutsara sa bibig.

Simple lang talaga ang pamilya nina Art at Sylvia, wala sa kanilang bokabularyo ang pagyayabang, pero napakarami nilang maipagmamalaki.