Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guwapong male personality beki

0 915

Maraming nababalisa, maraming nagtatanungan, bakit nga ba ayaw mamatay-matay ng kuwentong may pusong babae ang isang guwapong male personality?

Nagkakaroon naman siya ng mga karelasyon, pero bakit hanggang ngayon ay marami pa ring kumukuwestiyon sa kanyang kasarian?

Walang kapaguran ang mga nangunguwestiyon, napakahalaga para sa kanila ang malaman ang mga dahilan kung bakit maraming naniniwalang becki ang male personality, sayang na sayang daw ang kanyang kaguwapuhan.

Kuwento ng isang source, “Hindi naman siya ‘yung tipong nagpapahalata ng kalambutan niya, di ba? Simple lang naman siya, pinong kumilos, pero bakit ang dami-daming nagtatanong kung totoo bang becki siya?

“Ang sabi ng iba, e, kitang-kita raw kasi ang palatandaan na ganu’n nga siya sa mga mata niya. Parang may palatandaan kasi ang mga becki kapag kaduda-duda ang isang lalaki.

“Kumbaga, it takes one to know one. Alam nila ang mga signs, malayo pa lang ang guy, e, naaamoy na nila kung straight o may bahid!” unang komento ng aming impormante.

“Walang maririnig na mapagdudang komento mula sa kanyang mga nakarelasyong aktres. Hindi sila nagsasalita. Walang kahit anong pahimakas na becki nga nga guwapong aktor.

Balik-kuwento ng aming source, “Natural, hindi sila magsasalita, ayaw nilang sila pa na nakarelasyon ng guy ang kukumpirma ng kung anumang duda ng marami! Hindi na sila makikigulo, sarado na lang ang mga bibig nila!

“Pero hanggang ngayon, marami pa rin talagang nagdududa sa sexual preference niya. Meron nga siyang girlfriend, pero ang naglalaro naman sa likod ng utak ng mga nakakakita sa kanya, e, lalaki ang hanap niya!
“Hay, napakagulo na nga ng mundo, e, pinagpipistahan pa rin ang gender ng male personality na ‘yun! Sometimes talaga, e, maloloka ka na lang!” pagtatapos ng aming impormante.

Sarah ‘di palaban

Sapul na sapul si Sarah Geronimo sa malayang pagsasalita ng mga dumalo sa noise barrage ng mga artista, empleyado at mga taga-produksiyon ng ABS-CBN.

Nakipag-honeymoon sa entablado si Angel Locsin. Matapang nitong itinawid ang kanyang saloobin tungkol sa mga artistang ni hindi man lang nagpaparamdam sa naganap na pagpapasarado sa ABS-CBN at pagmamalasakit sa kanilang mga kasamahang nawalan ng trabaho.

Nangungunsensiya ang aktres, nasaan na raw ang mga personalidad na pinasikat ng ABS-CBN, magpa-cute man daw sila ngayon sa IG ay wala na silang istasyon.

Pero ang tinutukoy na sa kabila ng kalungkutan ng mga literal na nasagasaan sa pagpapasarado ng network ay pa-bake-bake lang ng cake ay si Sarah Geronimo.

Tama lang ang paghahanap nila ng boses ni Sarah sa gitna ng lahat ng ito, nananahimik nga kasi ang singer-actress, hindi gaanong nagpaparamdam ng kanyang emosyon sa paglalaho ng kanilang istasyon sa himpapawid.

Barometro kasi ng pagtanaw ng utang na loob ang paglalantad ng saloobin, sa panahong nililigalig ang kanilang bakuran, ang kanilang boses ay napakahalaga sa pagtatanggol, isang bagay na hindi nakikita-naririnig ng mga kumukuwestiyon kay Sarah Geronimo.

Pero ipinangananak ang bawat tao na may sariling katangian. Ang katapangan ng iba ay hindi maaaring hanapin sa kanya, dahil iba ang kanyang kanaturalan, hindi siya palaban.

Pero sa kabila ng hindi niya pagsigaw ay may sarili siyang paraan para makisimpatya, para ipaglaban ang karapatan ng kanyang mga kasamahan, malay naman natin kung sa pag-iisa ni Sarah Geronimo ay panay-panay ang kanyang pagdarasal?

Hindi sapat na dahilan ang pananahimik para sabihing walang pakialam ang isang tao. Maraming sumisigaw na hindi naman mula sa puso ang mga sinasabi kundi nagpapatianod lang sa takbo ng panahon.

At kung babalikan natin ang kasaysayan ng pagkatao ni Sarah Geronimo ay hindi talaga siya ang klase ng taong nag-iingay sa kahit anong kontrobersiyang nagaganap sa kanyang personal na buhay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.