Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guwapong male personality ilusyunado

0 903

Naunsiyami ang ilusyong sumikat ng isang guwapong male personality. Matagal na niyang gustung-gustong sumikat, drama lang niya ang kuwari’y wala siyang hilig sa pag-aartista, pero ‘yun talaga ang kanyang puntirya.

Maraming kuwento tungkol sa matinding taas ng tingin ng male personality sa kanyang sarili. Rumarampa-rampa pa lang siya ay bitbit niya na ang pagiging feeling-sikat.

Kuwento ng isang source, “Marami na siyang kaartehan kahit nu’ng modelo pa lang siya. Marami siyang hinihinging kung anu-ano sa mga organizers.

“Kailangang solo lang siya sa hotel room, wala siyang kahit sinong kasama, habang ang ibang mga kasamahan niyang male models, e, nagsisiksikan sa isang room lang.

“Ihinihiwalay niya ang sarili niya sa marami, ganu’n ang tingin niya sa sarili niya, kaya maraming naaangasan sa kanya. Imagine, nagtitipid na nga ang mga organizers, pero ang gusto pa niya, e, solo lang siya sa hotel room?” unang kuwento ng aming impormante.

Mas matindi kuno ang ilusyon ng male personality nang maugnay na ang kanyang pangalan sa isang magandang babae. Malaking trophy niya ang girl, palagi siyang umeeksena, nakikiangkas siya sa popularidad ng magandang female personality.

“Patuloy ng aming source, “E, napansin ‘yun ng mga organizers, pinagbawalan siyang bumuntot sa girl, du’n siya nagalit! Bakit daw siya pinipigilan, samantalang magkarelasyon sila ng girl?

“Du’n na pumasok sa eksena pati ang family ng girl, nayayabangan sila sa lalaki, parang inaangkin na niya ang girlfriend niya.

“Du’n nagsimula ang gap nila, napansin na rin kasi ng girl na sobrang insecure na ang boyfriend niya kahit kanino. Binabantayan na siya na halos hindi na siya makahinga!

“Lumipad ang ilusyon ng male personality na sumikat. Pinag-uusapan man siya, e, napakanega naman ng dating niya. Puro kasi kabalbalan ang ginagawa niya, hindi pa rin siya makapag-move-on hanggang ngayon, hard loser siya!” pagtatapos ng aming source.

Alden tinaob si Piolo

Napakasuwerte talaga ni Alden Richards. Sa isang panahon na nawalan ng exposure ang napakaraming artistang nawalan ng trabaho ay isang buong linggo namang napapanood ang Pambansang Bae.

Mula Lunes hanggang Sabado ay nasa Eat Bulaga siya, may musical variety show siya tuwing Linggo, ipalalabas pa uli mula bukas ang seryeng pinagbibidahan nila ni Louise delos Reyes kung saan nag-ugat ang tawag sa kanyang Tisoy.

Isa si Alden sa mga artistang nakakatulog nang mahimbing, may kapayapaan ng kalooban, dahil hindi siya napabilang sa mga personalidad na walang trabaho.

Siya na ang sumusuko sa marami pa sanang plano para sa kanya ng GMA-7, alagang-alaga siya ng network, idagdag pa ang mga bagong TVC na ginawa niya na ipinalalabas na ngayon.

Wala nang mahihiling pa si Alden, puro pasasalamat sa Diyos na lang ang ginagawa niya, dahil kahit sa panahon ng pandemya ay hindi siya problemado dahil nakapag-ipon siya.

Napaghandaan niya na ang kinabukasan ng kanyang pamilya, may nakatabi na siyang magagamit sa panahon ng indulto, meron din siyang nakalaang halaga para sa pagtulong niya sa mga nangangailangan.

At tama ang obserbasyon ng kaibigan naming propesor, sabi nito, “Si Alden ang barometro ng kaguwapuhan ngayon. Dati, si Piolo Pascual ‘yun. Dati, kapag sinasabing guwapo, si Piolo ang comparison.

“Pero ngayon, e, si Alden na. Kapag sinasabing guwapo ang isang guy, ang sasabihin agad, e, mala-Alden Richards ang itsura.

“Mabait kasi si Alden, kaya palagi siyang binibiyayaan. Kahit sa malayuan, kahit hindi mo pa siya kilala nang personal, alam mong mabait talaga siya,” papuri ni prop sa Pambansang Bae.

Leave A Reply

Your email address will not be published.