Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guwapong male personality sumpungin

0 112

Nakakagulat ang kuwento ng isang source tungkol sa isang guwapong male personality. Sikat siya, siyempre, at meron na siyang karelasyon.

Siya pala ang tinatawag na male version ng mga babaeng personalidad na sumpungin. May sariling mundo rin pala ang guwapo at sikat na lalaking personalidad na ito.

Unang kuwento ng aming source, “Sino’ng maysabi na mga girls lang ang sumpungin? May mga male personalities ding ganu’n! Si ____(pangalan ng guwapong male personality), napakasumpungin din ng taong ‘yun!

“Kabisado na ng production staff na humahawak dati sa career niya ang takbo ng utak niya, matindi ang tantrums niya, may sarili talaga siyang mundo!” buwena-manong kuwento ng aming impormante.

Ang pinakaayaw kuno ng male personality ay ‘yung naaabala ang kanyang pagtulog. Kaaway niya ang lahat kapag ganu’n. Gusto niyang kumita pero napakahirap niya namang gisingin.

Patuloy ng aming source, “Napapansin din naman siguro ng marami na bihira lang siyang ngumiti. Sobrang seryoso ng datingan niya. Suplado tuloy ang komento ng marami tungkol sa kanya.

“Nakakaloka! Meron din pala siyang drama na gusto niyang mapag-isa. Sa pagkakataong ganu’n, e, wala siyang sasaguting tawag at text, basta deadma lang siya!

“Kahit ang girlfriend niya, e, hindi rin niya sinasagot kapag gusto niyang mapag-isa. Nakakaawa rin ang girlfriend niya, sa totoo lang, dahil sobrang mahal ng male personality ang sarili niya!

“Pinakaayaw siyang katrabaho ng mga staff ng ahensiyang gumagawa ng mga commercials dahil sa kasupladuhan niya. Ayaw niyang pinapansin ang mga galaw niya oncam.

“Naiinis siya kapag nagsa-suggest ang mga staff sa kung ano ang dapat niyang gawin. Nagkakamot siya ng ulo, nakasimangot siya, nagdadabog pa nga siya!

“Kaya puwede siyang ihilera sa mga female personalities na sumpungin, ‘yung mga may tantrums, ‘yung mga Simang! Ganu’n na ganu’n din ang male personality na ito.

“Ang tanong, paano kaya tumatagal sa kanya ang karelasyon niyang female personality? Naku, inlabey na inlabey ang girl sa kanya, kaya kahit ayaw siyang makita nang ilang araw, okey lang sa kanya ‘yun!

“Ano ang favorite color n’yo? Red, white or blue?” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

-o0o-

Angel, Sharon, KC iisa ang kalaban

Lumutang ang kuwento na kaya dumoble ang timbang ngayon ni Angel Locsin ay dahil nagdadalantao siya. Ang iba naman ay may ibang iniisip.

Nakapagpapalaki raw ng katawan ang pagpi-pills, tumataba ang umiinom, kaya nagkaganyan ang katawan ng magandang aktres.

Pero mas may katotohanan ang bersiyon na dahil sa kanyang matagal nang problema sa likod ay tumaba siya sa paggamit ng steroids.

Sabi ng isang kaibigan naming direktor na nakatrabaho ni Angel, “Tabain talaga si Gel, big bone siya. Parang Sharon Cuneta. Parang si KC. Kailangan talagang bantayan ang food intake nila.

“Mabilis silang lumaki, weight talaga ang kalaban nila. Kailangan nilang mag-exercise, kailangang pumreno sila sa pagkain,” kuwento ni direk.

Komento naman ng isang kaibigan namin, “Bakit kasi ginagawang malaking issue ang pagtaba ni Angel? Huwag ‘yun ang tingnan nila. Ang dapat nilang bigyan ng pansin, e, ang kabutihan ng puso nu’ng tao sa pagtulong sa mga kababayan natin kapag hinahagupit ng kalamidad!

“’Yun ang pinakamahalaga. Hindi ang pagtaba niya, hindi ang paglobo niya,” pahayag ng aming kausap.

Mismo!

Leave A Reply

Your email address will not be published.