Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guwardiya namaril matapos i-bully

0 59

Dahil sa malimit na pambu-bully, binaril sa likurang bahagi ng ulo at leeg ng isang security guard ang kanyang kasamahan kamakalawa ng gabi sa isang bodega sa Tondo, Maynila.

Ayon kay PSSg John Teody Siguen, imbestigador ng Manila Police District -homicide section, ang biktima ay si Steven Morales, 41 at security guard sa RAN PMC Compound at taga-No. 27 St. Anthony Phase-2 A, Antipolo City.

Arestado naman ang suspek na si Lemuel John Estrida y Dorado, 29, ng Sta. Maria, Bulacan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Naganap umano ang insidente alas-7:10 ng gabi sa loob ng RAN PMC Compound, sa Mayhalgue St., Tondo.

Duty ang suspek sa gate nang lapitan ng biktima at ilang ulit siyang sinabihan ng “umayos ka malapit ka na sa akin!”

Napikon at nagdilim na ang isip ng suspek kaya pinuntahan nito sa kanyang puwesto ang biktima at pinagbabaril. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.