Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guwardiya nirapido sa mall

0 69

Pinagbabaril ang isang shopping mall guard sa Bayambang, Pangasinan kamakalawa ng gabi.

Sa inisyal na ulat, nakaupo ang biktimang si Mark Caasi Abejero, 36, sa harap ng CSI Supermarket nang ratratin ng riding in tandem alas-10:00 ng gabi.

Nakaligtas sa pananambang si Abejero at ginagamot na sa Bayambang District Hospital.

Iniimbestigahan pa sa ngayon ang insidente. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.