Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guwardiya tinaga sa ulo ng tropa, dedo

0 191

DAHIL sa matagal ng away, patay ang isang security guard matapos pagtatagain ng kanyang kaibigan sa Barangay Fermin, Cauayan City, Isabela kamakalawa.

Kinilala ng Cauayan City Police Station (CCPS) ang biktima na si Arsenio del Rosario, 53, ng Barangay Naganacan, ng nasabing siyudad. Ang suspek ay si Dante Tejero, 37, ng Barangay Tagaran, Cauayan City.

Sa inisyal ng report ng CCPS, naka-duty umano si Del Rosario sa Cauayan Memorial Garden sa Barangay San Fermin nang puntahan ng suspek at komprontahin ang biktima dahil sa away nila noong nakaraan.

Makalipas ng ilang minutong bangayan, umuwi si Tejero at pagbalik ay may dala ng itak at hinabol ang biktima.

Ayon sa pulisya, nagpambuno ang dalawa subalit nakuha ng suspek na pagtatagain ang biktima sa ulo at tagiliran sanhi ng kanyang pagkamatay.

Agad namang sumuko ang suspek pagkatapos ang insidente. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.