Abante Tonite Interactive

Guyabano pamatay ng lisa at kuto

Alam n’yo ba?

By
0 208

Kung may lisa ka o kuto ay guyabano lang ang sagot sa problema mo.
Ilagay lang ang dahon nito at gawing panghugas sa ulo ang tubig na pinaglagaan at unti-unti nang magdi-disappear ang iyong lisa o kuto.
Kung nagtatae ka naman o masama ang tiyan ay maari ring panlunas ang medyo hilaw na bunga ng guyabano.
May mga study rin na nagsasabing effective ang katas ng bunga ng guyabano, pati na ang pinaglagaan nito para mapigilan ang pagkalat ng mga cancer cell sa katawan. Maging ang runny nose ay maaaring malunasan sa pamamagitan ng pag-inom ng pinaglagaan ng dahon ng guyabano.
Hindi lamang iyan. There’s more! Dahil pati na ang eczema, pagmamanas ng paa o rayuma ay maaaring guma­ling sa pamamagitan ng pagtapal, pagpahid mula sa dahon nito.
Bukod dito ay makakatulong at puwede ring remedy sa mga diabetic ang pinaglagaan ng ugat, balat ng kahoy o dahon ng nasabing prutas.