Abante Tonite Interactive

Gwen Stefani mas type ang sex kesa chocolate

By
1,331

Si Gwen Stefani Ular ang candidate no. 6 para sa Tonite Babe Ganda Mo, Teh! Ang 21 years old na dalaga ay may vital statistics na 34-25-36.

Swimming ang sports niya at kabilang sa hobbies ni Gwen ang mag-malling at modeling. Siya ay BS Tourism Management graduate sa UE Manila. Dream niya ang maging movie queen at maging flight attendant.

Si Gwen ang reigning Bb. Taytay, Reyna ng Hamaka, Teens Philippines 2015, Miss Muzon, 1st Runner-up. Sumali rin siya sa Miss Tourism Philippine at Miss Philippines.

Siya ay isang freelance talent na nakalabas na sa FPJ’s Ang Probinsyano at Victor Magtanggol at sa pelikulang I’m Ellenya L.

Ano ang advantage niya compare sa ibang Abante Babe candidates?

Sagot ni Gwen, “I Think my advantage is my personality, kasi if you know yourself, kaya mo siyang i-present eh. As long as ipinapakita mo kung ano ka talaga. Kasi sa mga pageant talaga o sa mga ganitong competition, kailangan magpakatotoo ka lang sa sarili mo.”

Ano ang mas pipi­liin niya, guwaping na bagets pero walang pera o mayaman pero DOM na? “Siyempre roon na ako sa bagets, kahit walang pera dahil kaya ko namang gumastos para sa sarili ko,” aniya pa.

Nang first time na nakapanood siya ng porno movie, ano ang na­ging reaction niya? “Honestly wala lang, noong una akala ko rin ay parang masa-shock ako. Pero para sa akin ay wala lang. Parang nagulat lang ako na mabuti kaya nilang gawin at kita iyong face nila. Iyong iba kasi, ‘di ba, tago iyong mukha nila?

“Hindi kasi ako mahilig talaga manood, parang aksidente lang on social media. Oo, hindi porno, parang video scandal lang na nag-viral.”

Pero, sure ba siya na wala siyang skeleton sa clo­set na baka mag-viral din sa internet? Mabilis na sagot niya, “Ay wala po, wala po. Yes po, sure po.”

Ano ang mas gusto niya, sex or chocolates? “Sex siyempre, hahaha! Mas enjoy at sa cho­colates kasi ay tataba ako eh, kailangan na maintain lang ang katawan. At saka kapag sex, siyempre mae-exercise ka, no need to go to the gym, hahaha!”

So, naniniwala siya na healthy kapag may sex life? “Sabi nila, sabi nila. Pero hindi naman ako literal na naniniwala, pero sabi lang nila,” nakangi­ting saad pa ni Gwen.

Creative Director: Roldan Castro, Project Director: Meg Perez, Photographer: Ben No­llora, Fashion Stylist: Lulu Pineda, Swimwear: Julius Pegarro. Make Up: Cut Encarnacion Group Of Salon, Crea­tive Team: Pariji Penaflor, Edwin Cuasay, Ariel Carlo Reyes, Lj Gellido.

Sa mga gustong sumali para maging Abante Babe para sa buwan ng September, ipadala ang inyong close up at whole body picture, bio data sa roldancastro2015@gmail.com, 18 to 28 years old, 5’3” pataas.

Para naman bumoto, gupitin sa Abante Tonite ang (Gwen Stefani Ular, Tonite Babe #6, 70% ang katumbas) at lakipan ng logo ng Abante Tonite na may petsa, lagyan ng pangalan ng nagpadala, address at telepono.

May sorpresang premyong nakalaan sa mabubunot na Abante Tonite reader buwan-buwan at may tsansa na makapanood sa grand coronation. Ipadala ito sa Tonite Babe, Abante Tonite office sa 3rd floor Karrivin Plaza Building, 2316 Chino Roces Avenue Extension, Makati City. Puwede ring sumadya sa opisina at ihulog sa drop box.

Mahigpit na ipinagbabawal na lumahok ang mga empleyado at kamag-anak ng PRAGE Management Services hanggang sa second degree of consanguinity.

Puwede ring mag-like online sa kanyang photo para sa karagdagang puntos (30%). Bisitahin ang Abante Tonite Facebook Page, AbanteTNT sa Instagram. Para masilip ang ibang seksing larawan ni Gwen Stefani Ular, dumalaw sa website na www.tonite.abante.com.ph.