Abante Tonite Interactive

Gwen tuloy ang kasal kay Jeremy  

By
0 1,342
Matatandaang naba­lita noon na nakatakdang ikasal ang showbiz couple na sina Gwen Zamora at Jeremy Marquez, ang politikong anak ni Joey na appointee ni Pangulong Duterte sa Housing and Urban Development Council bilang deputy secretary-general.
May mga lumutang pa ngang balita na kaya raw naudlot ang nasabing kasal ay dahil may sabit na diumano ang dating konsehal ng Parañaque.
Nilinaw naman ito at Gwen at sinabing walang ganoong problema sa kanilang dalawa.
“There’s no impediment. Everything’s good na. Tuloy-tuloy na,” sey niya.
Gayunpaman, ayaw pa niyang i-reveal kung kailan ba talaga ang kanilang kasal.
Hindi rin niya ikinaila na tulad ng sinumang couple, hindi perpekto ang kanilang pagsasama ni Jeremy.
“Like any couple, we go through ups and downs, but that’s the thing that makes us stronger and that makes us communicate better,” aniya. “Another good thing about us is we both learn how to accept each other,” dugtong niya.
Nagpaliwanag din siya sa kanyang pansamantalang pagkawala sa showbiz.
“Honestly, I gained a lot of weight. Siguro, magpapapayat muna ako. I’m waiting for Goyo to come out and then saka na ako magde-decide. I miss acting though,” pahayag niya.
Suportado ni Gwen ang pagtakbo ng dyowang si Je­remy bilang vice mayor ng Paranaque sa 2019 national elections.