Abante Tonite
Mabilis sa Balita

H-Tucker, Lakers nilunod Clippers

0 235

Sinagad ni Lakers coach Frank Vogel si Talen Jalee Horton-Tucker at nag-deliver ang sophomore guard sa pangalawang preseason game kontra Clippers.

Pasabog si Horton-Tucker ng 33 points sa loob ng 41 minutes at muli ay niluray ng Lakers ang co-tenants sa Staples Center 131-106 sa 75th NBA 2020-21 preseason game Linggo ng gabi.

Nangunguyakoy pa sa pahinga sina superstars LeBron James at Anthony Davis, walo lang ang ginamit sa laro – anim ang umiskor ng 11 pataas.

Babad din ng 40 minutes si Kyle Kuzma at nagsumite ng 25 points, 6 rebounds at 4 assists para sa Lakers. Kumalawit pa si Horton -Tucker ng 10 rebounds at may 4 assists.

Sina Marc Gasol (6 points) at Jared Dudley (7 points) lang ang hindi tumikada ng double-digits sa scoring. May 4 rebounds at 5 assists si Gasol.

Sa kabila, 17 ang pinagpalit-palitan ni coach Tyronn Lue, pero hindi umubra. Naiwan ang Clippers sa umpisa ng bawat half at hindi makabawi.

May pinagsamang 20 points sina Kawhi Leonard at Paul George na parehong tumagal lang ng 18 minutes para sa Clippers. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.