Abante Tonite Interactive

Ha Ji Won babalik sa ‘Chocolate’

337

Pagkatapos ng halos dalawang taon, mukhang ready na nga for a television drama comeback si Ha Ji Won.

Wala pa namang kumpirmas­yon, pero ang kanyang agency na Haewadal Entertainment ay nagpahayag na isa sa kinokonsider na comeback drama ng aktres ay ang JTBC drama na “Chocolate.”

Ayon sa agency, “Ha Ji Won is posi­tively considering taking on a role in ‘Chocolate’.

Abante Hiring – IT dep

Ang Chocolate ay tungkol sa isang chef na galing sa mundo ng international cooking competitions sa Italy at sa isang neurosurgeon who comfort each other while providing food for hospices.

Magiging collaborative work daw ito ng writer na si Lee Kyung Hee na kilala sa kanyang mga magaganda at warm story at ng producing-director na si Lee Hyung Min.

Si Ha Ji Won ay inalok sa role na chef, habang si Yoon Kye Sang naman daw sa role na neurosurgeon.

Kung tatanggapin ni Ha Ji Won ang Chocolates, ito pa lang ang follow-up niya sa huling drama na Hospital Ship.

Nabalita rin last year na ang dapat na comeback niya ay ang big budgeted drama na “Prometheus.” Pero sa kung anong kadahilanan, bigla na lang nabalita na nag-back-out na raw ang aktres. Sumunod din dito ang ibang lead cast hanggang ang latest, hindi na ito matutuloy umere. (Rose Garcia)