Abante Tonite Interactive

Ha Ji Won sasabak sa planetang Mars

By
3,205

Sa kauna-unahang pag­kakataon, mapapanood bilang regular cast ng isang variety show ang South Korean actress na si Ha Ji Won. Twenty-two years na sa industry ang isa sa kinikilalang pinaka-mahusay na aktres sa heneras­yon niya, pero sa loob ng 22 taong ‘yun, puro Korean drama sa telebisyon at mga Korean films ang ginawa niya.

Ngayon pa lang susubukan ni Ha Ji Won ang sarili sa isang variety show. Base sa takbo ng bagong show na ito ng tvN, may pagka-sci-fi ang tema at malaki ang posibilidad na ito ang nakapag-udyok sa aktres para tanggapin.

“Galileo: Awakened Universe” ang literal na title ng variety show ng aktres kunsaan, makakasama niya si Kim Byung Man.

Ang kuwento ng Galileo: Awakened Universe ay ie-explore nila ang idea ng buhay sa planetang Mars. Tatalakayin nila ang mga “fact” tungkol sa Mars at hindi basta fiction lang. Inspired din daw ito sa mga Hollywood movie tulad ng ‘Interstellar’, ‘Gravity’, ‘The Martian’ at iba pa.

Nope, hindi sa mismong planetang Mars ang location ng filming, sa Mars Detect Research Station sa Utah nila ito gagawin. Halos pareho raw kasi ng kondis­yon ang naturang lugar sa Mars. Pag-aaralan nila dito kung posible nga bang maka-survive at iba pang paraan ng survival sakali sa planetang Mars.

May isang linggo rin na mararanasan nina Ha Ji Won at Kim Byung Man ang buhay bilang mga inhabi­tant ng naturang planeta. Sa June na sila magsisimulang mag-filming sa America at sa kalagitnaan ng July ito naka-schedule ng airing.

Ayon sa statement ng ma­nagement ni Ha Ji Won na Sun and Moon Entertainment kunsaan, ki­numpirma na magiging regular cast nga ang aktres.

“As she enjoys observing the stars through a telescope, Ha Ji Won has great interest in space and decided to appear as a fixed member on the program after carefully considering the offer. Through the program, Ha Ji Won will show a new side to viewers as she indirectly experiences life on Mars, which was previously a ‘strange unknown world’ to her.

“We ask for a lot of in­teres­t in Ha Ji Won’s genuine challenge of joining this new ‘space variety’ program.”

Base sa mga komento at reaksiyon ng mga netizen, halos lahat ay natuwa at excited na mapanood ang aktres sa ibang genre naman. Masaya rin sila na unti-unti na ang pagbabalik ng aktres sa kanyang showbiz career pagkatapos ng pagkamatay ng kapatid noong January 2018.

Ang huling proyekto pa ni Ha Ji Won ay ang Hospital Ship ng MBC na nag-finale epidose noong November 2017.Sa kauna-unahang pag­kakataon, mapapanood bilang regular cast ng isang variety show ang South Korean actress na si Ha Ji Won. Twenty-two years na sa industry ang isa sa kinikilalang pinaka-mahusay na aktres sa heneras­yon niya, pero sa loob ng 22 taong ‘yun, puro Korean drama sa telebisyon at mga Korean films ang ginawa niya.

Ngayon pa lang susubukan ni Ha Ji Won ang sarili sa isang variety show. Base sa takbo ng bagong show na ito ng tvN, may pagka-sci-fi ang tema at malaki ang posibilidad na ito ang nakapag-udyok sa aktres para tanggapin.

“Galileo: Awakened Universe” ang literal na title ng variety show ng aktres kunsaan, makakasama niya si Kim Byung Man.

Ang kuwento ng Galileo: Awakened Universe ay ie-explore nila ang idea ng buhay sa planetang Mars. Tatalakayin nila ang mga “fact” tungkol sa Mars at hindi basta fiction lang. Inspired din daw ito sa mga Hollywood movie tulad ng ‘Interstellar’, ‘Gravity’, ‘The Martian’ at iba pa.

Nope, hindi sa mismong planetang Mars ang location ng filming, sa Mars Detect Research Station sa Utah nila ito gagawin. Halos pareho raw kasi ng kondis­yon ang naturang lugar sa Mars. Pag-aaralan nila dito kung posible nga bang maka-survive at iba pang paraan ng survival sakali sa planetang Mars.

May isang linggo rin na mararanasan nina Ha Ji Won at Kim Byung Man ang buhay bilang mga inhabi­tant ng naturang planeta. Sa June na sila magsisimulang mag-filming sa America at sa kalagitnaan ng July ito naka-schedule ng airing.

Ayon sa statement ng ma­nagement ni Ha Ji Won na Sun and Moon Entertainment kunsaan, ki­numpirma na magiging regular cast nga ang aktres.

“As she enjoys observing the stars through a telescope, Ha Ji Won has great interest in space and decided to appear as a fixed member on the program after carefully considering the offer. Through the program, Ha Ji Won will show a new side to viewers as she indirectly experiences life on Mars, which was previously a ‘strange unknown world’ to her.
“We ask for a lot of in­teres­t in Ha Ji Won’s genuine challenge of joining this new ‘space variety’ program.”

Base sa mga komento at reaksiyon ng mga netizen, halos lahat ay natuwa at excited na mapanood ang aktres sa ibang genre naman. Masaya rin sila na unti-unti na ang pagbabalik ng aktres sa kanyang showbiz career pagkatapos ng pagkamatay ng kapatid noong January 2018.

Ang huling proyekto pa ni Ha Ji Won ay ang Hospital Ship ng MBC na nag-finale epidose noong November 2017.