Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Habagat palalakasin ang bagyo

0 45

Pinaghahanda ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang publiko laban sa papasok na bagyong ‘Leon’ dahil palalakasin ito ng habagat na magdudulot ng katamtaman hanggang malalakas na pag-uulan sa malaking bahagi ng bansa.

Isasailalim na sa Storm Signal No 1 ang Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan. Nagbabala din ang Pagasa ng posibilidad ng pagbaha at landslide sa mga lugar na nakakaranas na ngayon ng paguulan kabilang ang Metro Manila, at ilang kalapit na probinsya.

Pinag-iingat ng Pagasa ang mga maglalayag partikular sa timog ng Luzon, kanluran ng Occidental Mindoro at Palawan gayundin sa coastline ng Visayas at Mindanao. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.