Abante Tonite Interactive

Habal-habal sa Cebu wawalisin

328

Mahigit 4,000 rider ang nagparehistro sa motorcycle ride hailing app na JoyRide habang nasa 2,600 registered biker naman galing sa Motortaxi Cooperative (Motax) para mag-operate sa Metro Cebu.

Ito ay matapos maki­pagkasundo ang JoyRide sa Motax para maging ligal ang habal-habal operation hindi lamang sa Cebu kundi sa ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Jun Alcover, chairman ng Motax, ang pilot testing ng JoyRide sa Cebu ay isang malaking oportunidad para makatulong sa mga habal-habal driver na mabigyan ng kabuhayan.

Layunin ni Alcover, na dating konsehal sa Cebu, na ma-regulate ang dumaraming motorcycle taxi sa mga urban area tulad sa Cebu, Metro Manila, Cagayan de Oro at sa Davao City. (Vick Aquino)