Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Habambuhay bisa ng birth, marriage, death certificate pasado sa Kamara

0 263

Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ngayong Miyerkoles ang panukala upang maging permanente ang validity ng certificate ng live birth, death at marriage na galing sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Walang tumutol sa pag-apruba sa panukalang Permanent Validity of the Certificates of Live Births, Death, and Marriage Act (House Bill 9175) na nakatanggap ng 199 boto.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Target ng panukala na alisin ang dagdag na gastos ng publiko sa madalas na paghingi ng bagong kopya ng mga certificate ng mga ahensya ng gobyerno, paaralan at mga kompanya.

Ang mga manghihingi ng bagong kopya ng PSA certificate ay maaaring makulong ng isa hanggang anim na buwan o/at multang P5,000 hanggang P10,000. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.