Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Habambuhay na kulong sa 2 lady bugaw

0 521

Hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ng Sta. Cruz, Laguna Family Court Branch 6, ang dalawang babaeng bugaw na naaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Setyembre, 2019.

Sa desisyon ng korte na inilabas ng NBI, inatasan rin ang mga akusado na sina Mary Jane Mendoza at Magdalena Viray na magbayad ng tig-P2 milyong multa at hindi rin sila kuwalipikado sa Parole.

Bukod dito, inatasan din ng korte na bayaran ng mga akusaso ng tig-P200,000 moral damages at P100,000 exemplary damages ang mga pribadong complainant.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay NBI-OIC Director Eric B. Distor, ang mga akusado ay naaresto ng mga ahente ng NBI-Anti-Violence Against Women and Children Division noong Setyembre 26, 2019 at sinampahan ng kasong Human Trafficking matapos masagip ang dalawang babae at 3 menor de edad na ibinibenta ng dalawa para makipagtalik sa kanilang parukyano kapalit ang pera.

Inabsuwelto naman ng korte ang kasama nilang nahuli na si Warren Masavayan dahil sa kakulangan ng ebidensiya. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.