Abante Tonite Interactive

Habambuhay na pagkabilanggo sa manyakis na van driver

Part 3

By
287

Ilang ulit ding tinangka ni Joy na pigilan ang pagnanasa ng suspek subalit sinasabayan ito ng pana­nakit at panununtok sa kanya kaya’t wala siyang nagawa kundi sumunod na lamang sa anumang kagustuhang ipagawa ng lalaki.

Nang mahubad na nang tuluyan ang lahat ng saplot niya sa katawan, dito na niyurak ng lalaki ang kanyang pagkababae habang patuloy na tumatakbo ang sasakyan na minamaneho ng kanyang kasabwat.

Sa pagtaya ng mga biktima, nakarating sila at nagpaikot-ikot sa gawi ng Caloocan City hanggang sa Bulacan area habang ginagawa ang panghahalay kay Joy.

Nang makaraos ang isa sa mga suspek, siya naman ang nagmaneho ng van habang ang kasama naman nito ang nagsimulang bumaboy sa maseselang parte ng kanyang katawan hanggang tuluyan din siyang halayin.

Sa pahayag pa ni Joy kay dating Quezon City Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) head Sr. Supt. Rodel Marcelo, huminto pa sila sa isang gas station upang magpa­karga at pinuwersa pa silang ibigay ang personal information number (PIN) ng kanilang ATM upang ma-withdraw ang laman nito.

Binantaan pa ng dalawang suspek ang mga biktima na kapag wala silang nakuhang salapi sa kani-kanilang ATM, muli silang pagbubuha­tan ng kamay.

Sa kabuuan, umabot sa P16,000 ang nata­ngay ng mga suspek sa dalawang biktima kaya’t itinapon pa ng driver ng van ang isa sa nakulimbat nilang cellphone sa bahagi ng Caloocan City.

Araw na ng Linggo, dakong alas-dos ng madaling-araw o apat na oras makaraan ang kahalayang ginawa ng mga suspek kay Joy at pambababoy sa kasama niyang si Beth, ibinaba sila sa isang bakanteng lote sa Barangay Sauyo matapos pagbantaang babalikan at papatayin kapag tinangkang magreklamo sa pulisya.

Bagama’t pinagdamit na muli ng mga suspek ang mga biktima, hindi naman kinalag ng mga ito ang gapos na alambre sa kanilang mga kamay kaya’t nahirapan silang makahingi ng tulong sa mga nagdaraang pribadong sasakyan sa lugar.

Nang may mapadaang isang taxi, ginamit ng isa ang kanyang paa upang pahintuin ang sasakyan na sa una’y alanganin pa silang tulu­ngan dahil inisip ng tsuper na baka isa lamang ito sa mga modus operandi para siya holdapin.

Gayunman, nang matiyak ng driver na biktima ng karahasan ang dalawa, isinakay niya ang mga ito at dinala sa pinakamalapit na Baler Police Station upang humingi ng tulong.

Matapos makuha ng mga pulis ang impormasyon hinggil sa masaklap na sinapit ng da­lawa, kaagad nilang inatasan ang mga biktima na mag-report sa punong tanggapan ng Quezon City Police District sa Camp Karingal, upang mahawakan ng mga imbestigador ng CIDU ang kanilang kaso.