Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Habambuhay valid ID sa PWD inihain

0 66

Naghain si Senador Lito Lapid ng isang panukala na naglalayong tanggalin ang requirement para sa persons with disabilities (PWDs) na mag-renew ng kanilang identification cards (IDs) kada tatlong taon.

Sa Senate Bill No. 1795, layunin nito na amiyendahan ang Republic Act 7277 o Magna Cart for disabled Person na magbibigay ng lifetime validy ng PWDs na may permanent disability.

Sa kasalukuyan ang mga PWD ay required na i-renew ang kanilang ID para sa reevaluation ng naturang entitlement .

“This is also to ensure that the information contained therein reflects the holder’s current disability status,” sabi sa panukala.

Subalit giit ni Lapid na hindi dapat i-apply ang reevaluation sa PWDs na may permanent disability tulad ng may mga pre-existing birth defects, permanent pagkabluga o pagkabingin, pagputol ng mga braso o ibang bahagi ng katawan nito.

Sa ilalim ng panukala, ang permanent disability ay kailangang sertipikahan ng municipal o city health officer kung saan nakatira ang PWD bago pagkalooban ng lifetime validity ng ID. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.