Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Habulin mga epal sa bakuna

0 121

Nagbabala na ang Department of Health (DOH) laban sa mga opisyal ng gobyerno na umepal sa pagdating ng unang bakuna na nakalaan sa mga front liner.

Iimbestigahan daw ang mga opisyal na nakipag-unahan sa pagpapabakuna.

Hindi naman na lingid sa ating kaalama sinu-sino ang mga ito dahil binalandra na nila sa social media ang feeling nila ay pagiging mapalad nila dahil nauna silang turukan.

Nakakalungkot lang na sa panahon ng krisis ay talagang makikita ang tunay na karakter ng isang tao.
Hindi madaling makakuha ng COVID-19 vaccine, lalo pa nga’t halos nakorner na ng mga mayayamang bansa ang karamihan sa stocks ng bakuna. Kaya nga nahuli ang pagdating ng bakuna sa ating bansa.

May naunang dumating donasyon ng China at ito ay ang Sinovac.

Kaya hindi dapat nasasayang ang bawat dose ng bakuna kaya dapat mauna ang dapat mauna.

Alam ‘yan ng lahat ng opisyal ng gobyerno at pati mga kababayan natin na super abang sa bakuna.

Kanya lang may ilang nakakadismaya gaya nitong si Congresswoman Helen Tan na nauna ng nagpabakuna. Siya ang unang mambabatas sa Kamara na nagpaturok ng COVID-19 vaccine.

Rason ng mambabatas na dapat ay nasa 7th priority list ng IATF aprub daw siyang mabakunahan bilang immediate family ng kanyang anak na doctor sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).
Pero hindi pa pasok sa unang grupo ng mga babakunahan ang immediate family kaya sablay dito si Cong.

Ipagpalagay din nating ginamit nya ang dahilang isa siyang health worker, pero hindi na siya medical frontline worker dahil isa na siyang kagalang-galang na mambabatas.

Out of delicadeza na rin sana dahil wala pang mga opisyal ng gobyerno ang natuturukan maliban sa dalawang COVID czar na sina Galvez at Dizon na inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mauna para magbigay ng kumpiyansa sa mga health workers na tuturukan.

Kaya dapat seryosohin ng Department of Health and imbestigasyon sa mga pasaway na government officials para huwag tularan ng iba pang opisyal ng gobyerno.

Hindi ito magandang ehemplo sa panahong may krisis tayong pinagdadaanan sa bakuna.

Tamang kastiguhin ng DOH ang mga pasaway para magkaroon ng takot ang ilang nagpaplano palang umepal sa bakuna.

Kapag pinalagpas kasi ng DOH ang kalokohan ng ilang gov’t officials gayong may malinaw namang ikinamadang listahan ang IATF ay hindi mangingiming sundan ito ng iba pa dahil wala naman palang mangyayari sa kanilang masama sakaling sumingit sa turukan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.