Abante Tonite Interactive

Hachimura napabilib si Curry

468

Puwedeng humugot ng inspirasyon ang Asians, kabilang ang mga Pilipino, kay Rui Hachimura ng Japan.

Si Hachimura ang unang Japanese at Asian na natawag sa first-round ng NBA draft pagkatapos nina Yu Jianlian noong 2007 at Yao Ming noong 2002.

‘Di lang first-rounder, No. 9 pick pa si Hachimura ng rebuilding Washington Wizards noong Huwebes. Si Golden State guard Stephen Curry, napabilib sa laro ni Hachimura.

“Just from watching him play, I know he’s got good size, obviously,” ani Curry na nasa Tokyo nitong Linggo para sa isang youth basketball clinic.

“He seems to have a high basketball IQ, good touch around the rim too. I’m sure as he gets into the NBA his game will expand.”

Nag-average ang 6-foot-8, 235-pound na si Hachimura ng team-leading 19.7 points at 6.5 rebounds noong nakaraang season bilang junior sa Gonzaga college. Japanese ang kanyang ina, mula Republic of Benin ang ama.

Ang tanging Japanese player na na-draft sa NBA ay si Yasutaka Okayama, 171st overall ng Warriors noong 1981. Nakalistang 7-foot-8 si Okayama, pero hindi nakapaglaro sa isang regular season game.

Dalawang Japanese players pa lang ang nakalaro sa NBA game – sina Yuta Tabuse sa Phoenix Suns noong 2004-05, at si Yuta Watanabe sa Memphis Grizzlies noong 2018-19.

Late addition si Hachimura, 21, sa Japan national team na kumampanya sa FIBA World Cup Asian Qualifiers. (Vladi Eduarte)