Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hacker ni Baste, mga university timbog

0 496

Ni Nancy Carvajal

Timbog at kinasuhan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kilabot na hacker ng mga university portal na siyang nagpakalat sa online ng address ni presidential son at Davao City Vice Mayor Sebastian Duterte.

Kinilala ni NBI Officer in Charge Eric Distor ang suspek na si John Raven Aquino na nakatira sa Rolling Meadows , Novaliches, Quezon City.
Armado ng search warrant ang NBI-Cybercrime Division nang dakpin si Aquino sa kanyang bahay at samsamin ang computer na ginagamit nito sa online hacking.
“The digital footprints of his computer showed that he hacked various schools, including san Beda College and the Far Eastern University,’’ sabi ni Distor.
Ayon kay Distor, mag-isa lang si Aquino sa ginagawa nitong pag-hack sa mga personal information at password ng libo-libong mga estudyante sa kanilang mga social media account.
`It posed danger to the students because the information he was able to illegally obtain could be used for illegal acts or worse could be used to harm them,’’ paliwaan ni Distor.
Patuloy ang forensic investigation ng NBI sa computer ng suspek na sasampahan ng kasong paglabag sa RA 8484 (Access Devices Regulation Act of 1998) kaugnay ng RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).
Kamakailan lang napasok ng hacker ang website ng FEU at nakompromiso ang impormasyon ng mahigit na 300,000 na estudyante at halos 6,000 faculty.
Kasama sa mga impormasyon na na-access ng hackers ay ang SSS, Pag-Ibig, at TIN ng mga faculty at magulang ng mga estudyante pati na cellphone number at passwords ng student accounts ng pamantasan.
Nakababahala ang nangyaring hacking dahil may lamang pera ang ilang mga student accounts.

Leave A Reply

Your email address will not be published.