Abante Tonite Interactive

‘Hagorn’ mapapanood na sa ‘Ang Probinsyano’!!!

109

Ngayong nabigyan na ng hustisya ni Cardo (Coco Martin) ang pagkamatay ng kanyang kakambal na si Ador, panibagong kabanata na ang kanyang haharapin.

Pasok sa bagong yugto ng teleserye si John Arcilla (HAGORN ng Encantadia), mag-amang Lito Lapid & Mark Lapid, Pokwang, Angel Aquino, Mitch Valdez, Jhong Hilario, Sid Lucero, Ejay Falcon, Yam Concepcion at ang half-brother ni Coco na si Ronwaldo Martin.

***

SUNUD-SUNOD na pasabog ang inihandog ng nangungunang serye sa bansa na FPJ’s Ang Probinsyano matapos ang pagkamatay ni Joaquin Tuazon (Arjo Atayde) at pagpasok ng mga bagong karakter sa palabas.

Nanatili ang pamamayagpag nito sa TV ra­tings sa buong bansa.

Matapos mas panoorin kumpara sa pag-uumpisa ng bagong ka­tapat noong Lunes (Mayo 22), patuloy na nakatanggap ang FPJ’s Ang Probinsyano ng mainit na suporta noong Martes (Mayo 23) at Miyerkules (Mayo 24) sa pagtala nito ng national TV ratings na 43.3% at 42.7%, kumpara sa 20.6% at 21.1% ng Mulawin vs. Ravena, ayon sa datos ng Kantar Media.

***

Nag-post si Arjo sa Instagram ng mga huling litrato ni Joaquin.

Aniya sa isang caption, “You will forever be a part of my life. I will miss you Joaquin.

“You’ve done so much to me… I love you Joaqs. Till we meet again.”

Komento ni Gretchen Barretto, “Bravo you our dearest Arjo ♥ I am deeply proud of you ♥”

“Forever!” komento ni Yassi Pressman.

Sa isa pang IG post kung saan eksenang sinasakal ni Arjo si Yassi, ang caption, “Couldn’t have done it without you… Thank you Yaasss!”