Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hahabol sa Olympics: Perez, Tautuaa palaban sa 3×3

0 180

Sobra ang mga pagkaastig ng apat na asignatura ng Gilas Pilipinas 3×3 men’s team sa International Basketball Federation (Fiba) 3×3 Olympic Qualifier sa Graz, Austria sa May 26-30.

Pero palaban para sa PH squad sina Philippine Basketball Association (PBA) stars Christian Jaymar ‘CJ’ Perez at Moala ‘Mo’ Tautuaa ng San Miguel Beer kasama sina incoming pro league rookies Joshua Munzon ng Terrafirma at Alvin Pasaol ng Meralco.

Toka sa No. 14 seed Pinoy trio sa May 26 ang 11th seed Qatar at No. 4 Slovenia sa Day 1 ng Pool C preliminaries, at sa May 28 ang No. 18 Dominican Republic at sixth seeded France.

Kailangang mag-top two finish ng Nationals sa grupo upang makasulong sa knockout matches sa May 30.

Inaasinta ng PBA at Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. na makaabot sa finals o mag-top three finish PH ballers upang mag-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inusog lang sa darating na July 23-August 8 sanhi ng pandemic.

Binyagan pa lang ang 3×3 na dating kilalang street basketball o streetball sa nalalapit na quadrennial sportsfest. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.