Abante Tonite Interactive

Hailey nahuli si Justin na ka-chat si Selena

567

Lourdes Fabian

Napabalita nito lamang mga unang linggo ng Mayo na umano’y binabalewala ni Justin Bieber ang kanyang asawang si Hailey Baldwin. Ito’y dahil sa pakikipag-chat daw kay Selena Gomez.

Siyempre pa, ayaw itong paniwalaan ng mga tagahanga nina Justin at Hailey. Pati na rin ang mga supporter ni Selena.

Pero maugong ang tsismis na nabu­king daw ni Hailey na nakikipag-chat ang kanyang asawa kay Selena na hindi ipinapaalam sa kanya. Siyempre pa, ikinagalit nang husto ni Hailey ang natuklasan. Dagdag balita pang kesyo sumabog na raw at hindi na nakapagtimpi si Hailey nang mabasa ang mga text ni Selena sa celfone ng kanyang asawa.

Gayunpaman, ang pagkakahuli umano ni Hailey sa lihim na pag-uusap ng asawa at ni Selena ang nagtulak sa kanya para gumawa ng desisyon na labag din sa kanyang loob.

“When she caught Justin with Selena texts on his phone last week, that all changed. Hailey absolutely lost it,” ayon pa sa ibinalita ng isang source.

At dagdag pa ng isang tagaloob, gusto raw ni Hailey na gumawa ng paraan para makapag-usap sila ni Selena at sabihin sa kanya nang harap-harapan… “to stay away from her man!”

Nagulat na sinabi ng taga-loob na si Selena ay “natawa” nang makarating sa kanya ang pagtatangka diumano ni Hailey na magkaharap sila.

Iniisip ni Selena na ang mga naglabasang balita ay katawa-tawa lahat at gawa-gawa lamang dahil alam niya kung gaano kamahal ni Justin ang asawang si Hailey.

Pero ayon pa sa inilabas na balita ng Gossip Cop, ang balitang nahuli ni Hailey na nagti-text si Justin kay Selena ay hindi totoo. Gawa-gawa lang daw ng isang blogsite ang nasabing isyu na naging trending topic sa social media.

Bilang pangwakas, noon lamang isang buwan ay nag-post si Justin sa Instag­ram ng diretsahang pagpapahayag ng kanyang pagmamahal sa kanyang asawa.

“My one true SOULMATE,” ani Bieber.