Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Haiti president itinumba

0 113

Inatake ng mga hindi pa kilalang armadong kalalakihan ang bahay ni Haiti President Jovenel Moise nitong Miyerkoles ng madaling-araw, ayon sa interim prime minister ng nasabing bansa.

Sa BBC report, sinabi ni Interim Prime Minister Claude Joseph na napa­tay sa pag-atake si Moise habang sugatan naman ang first lady nito.

Naninirahan ang mag-asawa sa kabe­serang Port-au-Prince.

Magugunitang Pebre­ro 2017 nang umupong Haiti president si Moise, 53-anyos.

Ngayong 2021, nag­karoon ng malawakang protesta laban kay Moise at nagde-demand ang mga tao ng pagbibitiw niya dahil sa korapsiyon at lumalalang kahirapan. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.