Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Halaga ng buhay napatunayan sa pandemya – Duterte

0 84

Kabilang umano sa mga natutuhan mula sa narararanasang pandemya dulot ng COVID-19 ay ang halaga ng buhay ng tao at ang mga relasyon natin sa isa’t isa, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“The COVID-19 pandemic may have cost us so many lives & material resources, but we also learned so much from it. We learned the value of human life and relationships with each other. We understood what it means to be a family, a community, a nation. We learned to share and to look after the welfare of our brethren,” mensahe ni Duterte para sa Bagong Taon.

Pinuri rin niya ang resilience ng mga Pilipino na lampasan ang mapanghamong taon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Now, we march on to a new year wiser, stronger and more prepared for the challenges ahead. We are given another chance to serve our people, and for us in government, this is another opportunity to render public service with genuine compassion and malasakit,” dagdag niya.

Pinaalala niyang ngayong bagong taon, dapat magpasalamat ang madla sa mga natatanggap nilang biyaya.

“I am confident that all of us will see brighter days ahead because we believe in the indomitable spirit of the Filipino. Isang masagana at mapagpalang Bagong Taon sa ating lahat!” saad niya pa. (Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.