Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Halakhakan ng mga komedyante nauwi sa dagok

0 567

Narito ang karugtong ng aming isyu kahapon tungkol sa pagsasara ng mga comedy bar sa Quezon City. Nauna na ang Zirkoh at Klownz. Sinundan ito ng Laffline na pinanggalingan ni Vice Ganda.Wala na ring balak si Wowie de Dios, owner ng Music Box na buksan muli ang kanilang bar.Pahinga muna raw.

Maraming stand-up comedian ang mawawalan ng trabaho.Paano nila matatanggap ang situwasyon?

Sey ni Viveka Ravanes na produkto ng Punchline at Laffline. Napanood siya dati sa “Be Careful with My Heart:

“Lahat naman nabigla sa nangyaring pagsasara . Wala namang magagawa dahil epekto ito ng pandemya. Kailangan lang bumangon, maging malakas para lumaban at makapagpatuloy sa buhay.

“Ang iba nagtinda online, naging blogger sa iba’t ibang flatforms. Basta lahat ng magagawang paraan na marangal para kumita sa panahon ngayon.

“Nakakalungkot din siyempre kasi paano nga ba ang ibang host na talagang nakaasa sa gabi- gabing set na pinagkukunan nila ng pagkain, pang-upa ng bahay at pambili ng gamot, saan at paano makakakuha ng pantakip sa kulang o ang pagkawala ng kita?”

May hiling din siya sa adminitrasyon ni Digong.

“Sanay mapansin din kami ng gobyerno ,kaming mga artist na no work no pay din .Sana may programa din sila para sa amin,” deklara pa niya.

Tinanong din namin ang ibang stand-up comedian sa probinsya kung kumusta na ang kanilang kalagayan ngayon?

Ayon kay Chuffa Mae ng Angeles City, “Tinanggap na lang ng maluwag sa kalooban ang pangyayari dahil wala tayong magagawa nu’ng pumasok ang pandemyang ito .Lahat naapektuhan, nawalan ng trabaho, nawalan ng kita . Talagang mag-iisip ka kung paano ka mabubuhay.Mababagabag ka talaga dahil wala namang pumapasok na kita, lalo na sa akin na nagre-rent lang ako dito.

“Papaano kung mahaba pa ang pandemyang ito?Kailangan gumawa ng paraan para mabuhay,” mangiyak-ngiyak niyang sambit.

“Grabe ito sa mga kapatid sa trabaho.Tinamaan ang isa damay na ang lahat ganun. May aral din ito sa malakas kumita noon sana nag- ipon.

“Dito naman kapatid sa Angeles, Pampanga ay kasapi ako ng Banda Alyansa chapter .Kami ay inilapit kay Governor . Kumbaga, kinupkop o inampon para magkaroon ng konting ayuda mula sa DOLE . “

Dagdag naman ni Ara Muna na may hit song na O Jo’ Kaluguran Daka.
“Nakakalungkot po.Pinangangambahan namin na baka tumagal pa po ito ng ilang buwan. Papaano na ang pangkabuhayan ng mga comedian at mga bars employees?

“Dito po sa Pampanga. Nadinig na po ang panawagan namin . An g aming governor support and include us sa TUPAD program nang DOLE. Bibigyan po kami ng ten days work mga community service. Para mabigyan po kami ng Ayuda base on minimum wage sa Pampanga .

“Meron po kaming BANDA ALYANSA PAMPANGA chapter.Bale ako po ang overall coordinator ng comedian sector sa Pampanga at Angeles

“May gagawin po kaming All Cast Comedy Online Super Show for a cause on July 26 .Featuring comedians and impersonators from Pampanga and Angeles City.,” update pa niya.

Ang kikitain nito ay ibibigay sa mga nag-perform na apektado ng pandemya.

‘Yun na!

Leave A Reply

Your email address will not be published.