Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Halaman sa Baguio park ninakaw

0 72

Nagbabala ang Baguio City Environment and Parks Management Office laban sa mga plant poacher o iligal na kumukuha ng mga halaman sa mga parke sa lungsod.

Ayon kay CEPMO Assistant Department Head Atty. Rhenan Diwas halos malimas ang monstera deliciosa o Swiss cheese na halaman sa Mines View Park at Burnham Park. Binebenta umano ito nang mahal online. Bukod dito, nawala rin umano ang mga succulent sa City Hall Park habang nabawasan ang mga rubber tree sa Upper Session Road greenbelt.

Nakuhanan pa ng video ang isang hindi tukoy na babae na kumukuha ng halaman maging sa public elementary school.

Para malabanan ang mga plant poacher, magkakaroon na ng mga bantay sa mga parke sa lungsod. Hinikayat din ang mga residente na iulat sa mg awtoridad ang mga insidente ng pagkuha ng mga halaman.

May parusa umanong P5,000 o 5 araw na pagkakulong ang mga mahuhuling kumukuha ng halaman sa mga pampublikong lugar. Pero kung ito ay mga endangered o threatened specie ay kakasuhan ito ng paglabag sa RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act na may pagkakulong hanggang 12 taon at multang P100,000 hanggang P1 milyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.