Abante Tonite Interactive

‘Halik’ nagmarka kina Jericho, Yam, Yen

0 369

NI: VINIA VIVAR

Aminado ang mga bida ng “Halik” na napakara­ming nagawang pagbabago sa kanila ang malaking tagumpay na nakamit ng serye sa walong buwang pagsasaere nito. Unang-una na nga na kapag nasa labas sila ng bahay, ang tawag na sa kanila nga­yon ay ang kani-kanilang karakter.

Ayon kay Jericho na gumaganap na Lino, after “Pangako Sa ‘Yo” in 2000-2002, ang “Halik” ulit ang pinakatumatak na serye sa kanya.

Abante Hiring – IT dep

He recalled na bago raw nila gawin ang serye, apat daw ang pinagpipilian nila ni business unit head Ruel S. Bayani na gagawin niya kasama na ang “Halik” at “Los Bastardos”.

“There were 4 shows we were choosing from kung ano ‘yung gagawin, so we were like ‘sige, Halik.’ Parang fee­ling ko, ‘eto ‘yun, eh. Kumbaga, kung bubunot ka ng card, ‘eto ‘yun, eh. So, eversince, nagpalit na ‘yung pangalan, naging Lino na ang tawag sa akin,” pahayag ni Echo sa finale presscon ng “Halik”.

Si Yen Santos naman who plays Jacky, aniya, dati ay pangarap lang niya na magkaroon ng teleseryeng tatatak sa mga tao at tatawagin siya sa kanyang karak­ter.

“Kaya nga po, sobrang thankful ako kay direk Ruel na napunta sa akin ‘to, kasi, ‘eto ‘yung talagang matatawag ko na ‘uy, aktres na ako.’ Kasi ‘yung iba ko naman pong nagawa, parang hindi pa siya ganu’n ka-mature, eh. Ito ‘yung pinaka-challenging at pinaka-mature na nagawa kong role.

“And sabi ko nga nun’g time na lalabas ako ng bahay, dati, pa­ngarap ko lang na sana, magkaroon ako ng cha­racter na everytime na lalabas ako, ‘yung cha­racter ko ang itatawag sa akin.

“Nangyari po ‘yun sa ‘Halik’. ‘Pag lumalabas ako ng bahay, ako na po si Jacky. Kaya sobrang sarap po sa feeling na mapasama ka sa ganito ka-successful na show,” sey ni Yen.

Mas matindi naman ang impact kay Yam Concepcion ng serye dahil ngayon, may iba nang meaning ang “kabit”. Jade na ang tawag sa mga ito na name naman ng kanyang karakter.

“I think it’s a compliment,” ang reaksyon ni Yam tungkol dito. “Kasi, character lang naman ‘yun, hindi naman ako ‘yun. So, I guess, yeah, it’s very ano… ang sarap ng feeling, nakakatuwa. Parang ‘jade’, kung baga, it’s part of a dictionary, a different dictionary, it’s a word,” ani Yam.

Bukod dito, isa pang pinakamalaking achievement ni Yam dahil sa serye, nakamit niya ang kanyang very first Best Actress award sa Gawad Filipino Awards noong Disyembre habang si Jericho naman ang Best Actor for the same series.

Isa pang award na natanggap ni Yam dahil sa serye ay ang Most Trending Actress award sa Philippine Social Media Awards 2018.

“Mas na-inspire ako lalo na pagbutihin ang trabaho ko. Sobrang challenging i-portray ‘yung role ni Jade. Very complex, very round character, very flawed.

“So, para sa akin, tinanggap ko ‘yung challenge na ‘yun for me to grow as an actress and I really learned a lot. You know, what a journey it has been for me, especially sa aking career,” saad ni Yam.

Dagdag pa niya, “and it humbles me a lot also. Saka, ang galing, ‘pag lu­malabas ako, Jade na ‘yung pangalan ko. Minsan, hindi nga nila ako tinatawag na Yam, nakakalimutan nila ako. (Sinasabi nila) ‘ano nga ang pangalan niyan? Si Jade ‘yan, eh.’ Ayun. So, parang nakakatuwa, nakaka-flatter and ‘yun, it inspires me more to learn, and there’s a lot to learn. And I’m excited. Parang ‘yung fuel na meron ako, parang mas lalong tumitindi.”

May pinagdadaanan

Ayon naman kay Yen, sobrang thankful niya kay Echo dahil parati raw siyang tinutulungan nito sa mga eksena niya.

“And talagang naging kaibigan ko na rin siya, nasasabihan ko ng mga problema, nakakapagbigay din siya ng advice sa akin,” pahayag naman ni Yen.

Sobrang puri rin ni Echo sa dalawang aktres. Deskripsyon niya kay Yam ay serious actress, hungry and deserving daw na mabigyan pa ng more challenging roles.

Kay Yen naman, ani Echo, hindi raw niya makakalimutan ang inner strength ng aktres na kahit may pinagdadaanan ay nagagawa pa ring magpunta ng set na well-prepared.

Natanong si Yen kung ano ba ang pinagdadaanan niya na sinasabi ni Echo at aniya ay mga personal problems lang naman daw.

Wala sa plano ang magkaanak

Binanggit nga ni Echo na last teleserye na niya ang “Halik” pero kung magkakaroon ng Book 2 na siyang iminungkahi niya, baka ‘yun ang maging huli na niya talaga.

“Kailangan ko lang ng mga dalawang buwan, tatlong buwan to collect my thoughts, kakanta muna ulit, susulat muna ulit, surfing muna ulit, motor muna, and then, pagbalik ko, by the end of the year, I have something new for sure,” saad ni Echo.

When asked about his plans on family matters at kung may plano ba sila ng asawang si Kim Jones na magkaroon ng baby, ani Echo ay mag-aaral daw muna sila at wala pa sa plano ang pagkakaroon ng anak.

Pareho raw sila ni Kim na passionate sa kani-kanilang craft at gusto muna nilang tuparin ang mga dreams nila.

“Kaya parang bringing a baby into this world is not a good idea kasi, kawawa ‘yung baby, eh. Papatayin namin ang mga pangarap namin dahil gusto naming magka-baby. Wala namang nagpe-pressure sa aming magka-baby, ‘di ba?”
Besides, he already has a son, si Santino Rosales na love child niya sa kanyang dating girlfriend. Ayon sa aktor, mahal na mahal daw ni Kim ang kanyang anak at isang buong pamilya rin daw sila.

Bukod dito ay may mga aso pa raw sila na itinuturing din nilang pamilya.

“There are a lot of families like this na mga aso ang kasama nila. We have our people at home whom we consider family. ‘Yung mga kasama naming nagluluto, naglilinis, nagda-drive sa amin, pamilya namin sila, we love them so much.”

Pero siyempre, hindi naman daw nila sinasara ang pagkakaroon ng anak. Kung ibibigay daw sa kanila ni Lord, tatanggapin nila nang buong puso.

“We’re so open. Who knows, one day. All I know is that I’m not ready. Because I don’t want to be an absentee dad. We’re both not ready.”

Pero nilinaw niyang pareho silang healthy at wala naman daw problema sa kanilang capacity na magkaroon ng anak.

Stalker ni Echo

Puring-puri ng dalawang aktres si Jericho as an actor and as a person, lalo na nga si Yam na self-confessed fan ng aktor.

“Mostly, lahat ng mga favorite scenes ko, ‘yung sa aming dalawa (ni Echo), kasi, magugulat ka na lang, parang nasa ibang mundo ka na. Parang wow, oh my God, ‘pag nag-cut, ‘oh my God, nangyari ‘yun?’ It’s so magical. Sobra.
“Ang sarap-sarap sa pakiramdam, especially ‘yung last scene namin na nag-away kami na may hawak siyang bata. As in grabe! Sobrang ang sarap sa pakiramdam! Ang sarap ng feeling! Ibang level na parang… you know, it feels like an accomplishment, parang nasa ibang mundo ka, nasa ibang realm ka. Na parang you just have your connection with your co-actor.

“And you know, si Echo talaga, alam mo ba, ‘eto ha, FYI (for your information), dati pinapanood ko lang ang ‘Pangako sa ‘Yo.’ ‘Yun ‘yung ina-idolize ko siya na parang ‘oh my God!’ Pero because of this, I watched ‘yung ibang mga films niya, pinanood ko lahat. Sabi ko, ‘oh my God, naging stalker na ako ni Jericho Rosales!’ Parang naging sobrang fan na talaga ako,” sabi ni Yam saka tumingin kay Echo at sinabing, “I’ll forever be your number 1 fan.”