Abante Tonite Interactive

Halik ni Digong may side effect sa mga OFW – Biazon

By
1,816

May agam-agam si Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon sa katwiran ng tagapagsalita ng Malacañang na tanggap sa kulturang Filipino ang ginawang paghalik sa labi ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte sa isang Pinay sa South Korea noong Linggo.

Hindi malayo, ayon kay Biazon, na makaapekto ito sa mga overseas Filipino worker (OFW).

Puwede aniyang mas lalong malantad sa pang-aabuso ng kanilang employer ang mga kababayang kumakayod sa abroad.

“To say that kissing a married woman on the lips is accepted in Philippine culture is putting our OFWs at risk of abuse by their employers,” babala ni Biazon.

Hindi kumporme ang kongresista sa ipinunto ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tanggap sa ating kultura ang paghalik sa labi ng hindi kaano-ano.

Sinabi naman ni Senador Antonio Trillanes IV na dahil sa ginawa ng Pangulo at sa pagdepensa ng Palasyo, lalong bumaba ang tingin sa mga Pinay.

“Alam niyo bumaba ang tingin sa Filipina dahil hinahayaan yung ganun,” diin ni Trillanes.