Abante Tonite Interactive

Halik party-list

By
270

Tatlong taon nang namamayagpag ang teleseryeng ‘Ang Pro­binsyano’ na pinagbibidahan ng aktor na si Coco Martin. Nagsimula ito noong Setyembre 28, 2015, ilang buwan bago ang May 2016 elections. Hanggang ngayon, patok pa rin sa masa ang teleserye na hango sa pelikula na may kaparehong titulo ng yumaong action king Fernando Poe Jr.

Hindi nakapagtataka na gamitin din ang titulo ng teleserye ng mga taong gustong manalo sa 2019 midterm elections. Sa ginawang pagsaliksik ng grupong Kontra Daya, isang party-list group na ‘Probinsyano Ako’ ang gustong magkaroon ng puwesto sa Kongreso.

Kung inaakala niyong gustong maging congressman ni Coco Martin, nagkakamali po kayo. Hindi sila mga ordinaryong promdi dahil konektado sila sa politi­cal dynasty. Ang first nominee ay si Rudy Ceasar na anak ni da­ting majority leader at Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas. Ang se­cond nominee naman na si Lira Fariñas ay may koneksyon din sa kongresista sa pamamagi­tan ni Laoag City administrator Jami Fa­riñas.

Isa sila sa 185 party-list organization na nagsumite ng certificate of nomination and accep­tance (CONA) sa Commission on Elections (Comelec) mula noong Oktubre 11 hanggang 17. Ilan sa kapansin-pansin na organisasyon ay ang 1 Alliance Advocating Autonomy Party na ang first nominee ay si Ana Emelita Alva­rez, anak ni dating Spea­ker at Davao del Norte Rep. Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez.

Buti na lang, walang bumuo ng party-list na HALIK o Hukbo ng mga Asawang Lumandi at Iniwan ng Karelas­yon. Kung nagkataon, magagamit din sa politika ang patok na teleserye ni Echo Rosales. At kung mayroon man gumawa ng ganitong pary-list, bibilib na talaga ako sa abilidad ng mga Pinoy na malilikot ang isip.

Related Posts

***

Napapanahon ang panawagan ni Senador Sonny Angara sa Bureau of Customs (BOC) laban sa pagburiki ng balikbayan box ng mga overseas Filipino wor­ker (OFW). Ipinaalala ni Angara na sa ila­lim ng Customs Mo­dernization and Tariff Act (CMTA), hindi puwedeng basta na lang bubuksan at kakalkalin ang mga balikba­yan box.

Matatandaan na isinabatas ito dahil sa reklamo ng maraming OFW na ilang mahahalagang gamit sa ipinadala nilang balikba­yan box ang nawawala pagdating sa kanilang pamilya.

Malapit na ang Disyembre at marami sa mga OFW ang magpapadala ng regalo sa kanilang mga mahal sa buhay sa ‘Pinas.

Kung patuloy na buburikiin ang laman ng mga balikbayan box, wala na talagang pag-asang magbago ang BOC.

Sana’y hindi naman ito mangyari sa ilalim ng panunungkulan ng bagong talagang commissioner na si Rey Leo­nardo Guerrero.