Abante Tonite Interactive

Halik sa asawa

298

Nais ko lang po na itanong sa inyo ang kahulugan ng panaginip ko. Napanaginipan ko po ang asawa ko na nasa abroad. Hinahalikan ko daw po siya pero hindi nya ako ginantihan ng halik sa halip tumayo siya at umalis. Ano po meaning nyan kasi po para po akong nasaktan sa panaginip ko.

Ang halik sa labi ay sumisimbolo sa komunikasyon, malalim na koneksyon, love at passion. Ang halik sa asawa ay ikinukonekta sa romansa at kaligayahan sa iyong relasyon. Ang halik ay indikasyon din ng itinatagong pananabik. Isa itong malinaw na indikasyon na naghahanap ka ng romansa o sa iyong sitwasyon ay nangungulila ka sa romansa.

Nami-miss mo ang romansa at ito’y normal para sa iyo dahil ang partner mo ay nasa malayo.

Abante Hiring – IT dep

Sa iyong panaginip ang halik mo sa iyong asawa ay nauwi sa ‘epic fail’ dahil naramdaman mong hindi tinugon ang iyong halik at iniwanan ka pa. Nagpapakita ito na merong pagkadismaya at maaaring pagtataksil na pumapasok sa iyong isip.

Ang iyong panaginip ay nagpapakita rin ng insecurities. Maaring sa aktuwal na buhay ay hindi mo ito maamin sa iyong sarili dahil nangingibabaw sa isip mo na may tiwala ka sa iyong mister at alam mong hindi mo siya dapat pagdudahan. Pero maaaring sa likod ng iyong isip ay nakakaramdam ka ng pagdududa kung nananatiling tapat sa iyo ang asawa mo.

Pero bago ka tuluyang ma-depress, dapat mong isipin na ang ating mga panaginip ay kadalasan namang bunga lamang ng ating mga nararanasan, naririnig o nababalitaan. Nitong mga nakaraang linggo ay naging laman ng social media ang mga OFW na nagtataksil sa asawa. Nag-viral ang mga istoryang ito.

Posibleng naapektuhan ka ng viral stories na ito dahil nga nakaka-relate ka sa pangyayari.

Ang asawa mo ay nasa abroad kaya sa likod ng iyong isip, maaaring nakaramdam ka ng pangamba na posibleng mangyari rin sa iyo ang mga nangyayari sa mga bali-balita sa ilang OFW na ipinagpalit ng kanilang mga asawa.

Sa kabuuan, ang iyong panaginip ay bunga lamang ng pangungulila sa iyong asawa. ‘Wag na itong haluan ng anumang pagdududa na magpapahirap lamang sa iyong isip. Makabubuting panatilihing open at maayos ang komunikasyon mo sa iyong asawa at magtiwala sa kanyang pagmamahal.

Dream Catcher

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.