Abante Tonite Interactive

Halina ni Marian naburo

By
2,981

May mga maricon pa rin namang kahit paano, interesado sa karera ni Marian Rivera, ang Primetime Queen sa Kamuning Station. Sa mga mahal ang tunay na Mrs. Jose Sixto Dantes, wala pa ring makakaagaw sa kanyang titulo at patuloy na ma­ningning ang kanyang estrella bilang Kapuso.

Sa mga hindi nananalig, hindi na appropriate ang titulong binigay sa kanya. Ang kanilang dahilan, hindi tumagal sa ere at hindi impressive ang digits ng huling fantasy-action serye ni Rivera, ang Super Ma’am.

At tila walang kadala-dala ang ka-Siyete, action serye na naman daw ang susunod na proyekto ni Marian, ayon iyan sa isang entertainment portal.

Mas maaksiyon, mas maalab at wala na raw super power si Rivera sa bagong programa niya. Sa husay, ganda at runong ni Ma­rian sa pag-arte, nakakapagtakang tila walang maisip na ‘materyal’ ang mga creatives ng Siyete para ipaalala sa lahat ang kanyang halina noong siya ay naging si Marimar.

Kailangan ni Marian na gumawa ng mga pelikula, makatrabaho ang ibang mga artista at direktor, para mas lalo siyang humusay at mahasa sa pag-arte. If she keeps on working with the same peeps, walang improvement, walang bago, at ‘yun at ‘yun din ang ipapakita niya.

Ang pag-aaksiyon ba sa isang drama sa telebisyon ang tamang materyal para maipakita sa mga humihi­kab na mga Kapuso na meron pa siyang ibubuga, na may gutom pa siya to take on new roles and challenges?

Hindi lang maganda si Marian. Nakaka-arte talaga ito. Wala ba kayong puwedeng ibigay sa kanyang katauhan na magpapaalala sa lahat na hindi lang siya star, kundi aktres din?

Tukaan nina Martin at Kiko ikinabagsak ng panga ng mga bayot

Marami ang aliw na aliw sa transformation ni Martin del Rosario bilang Barbie sa paparating na pink drama, ang Born Beautiful (BB).

Alam naman nating balbon at bulbulin itong si Martin dahil nga tisoy na tisoy ito kaya hindi for the faint hearted ang kanyang mga waxing sessions.

Carpeted with man fur ang katawan ni Del Rosario kaya bawat pagtanggal sa kanyang mga buhok at ka­bulbulan, todo ang aray, todo ang sakit. Ngayon, napagtanto na niya na hindi madali ang maging isang babae, dahil nga maraming mga seremonyas at ritwal para ma-achieve ang pasabog at winning look.

Magandang lalaki si Martin kaya noong ginawa na siyang babae, hindi kataka-takang magandang babae rin ang nalikha ni make-up artist Juvan Molina Bermil.

Pag babae na si Martin, may hawig siya sa de­vastatingly beautiful na seasoned actress na si Ms. Dawn Zulueta, mas maalindog at mas may kaharutan version.

Speaking of kaharutan, maraming maricon ang bumagsak ang panga at gustong mawalan ng ulirat matapos masilayan ang pa-holding hands at pa-lips to lips kiss photo shoot ni Del Rosario at ni Kiko Matos.

Si Matos ang gumaganap na ‘asawa’ ni Martin sa BB. But wait, there is more. May isa pang lalaki sa buhay ni Martin sa show, ang bata at sariwang si Akihiro Blanco. May bizarre love triangle ang kanilang mga katauhan.

Ang katauhan ni Blanco, ang claim kay Barbs, una siyang naging akin. Si Kiko naman, ang panglaban, ako na ang nagmamay-ari at mahal niya. Nakakaloka! Ang ganda-ganda mo Martin, pramis.

Pag nakita kita sa personal na babaing-babae, tuwalya ang ipupunas ko sa iyo sabay mag-aatanda. Hahahaha! (Bwahaha-ED).

Ang diva that you love, excited na sa Born Beautiful. Kailan nga kaya eere ito?