Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hallare, Basilan umeskapo

0 43

Lumagare si Junjie Hallare ng 31 points, 6 rebounds at 2 steals upang pamunuan ang defending Mindanao leg champion Basilan BRT Sumisip sa pagpuslit kontra Iligan City, 78-75, sa pagsiklab ng Chooks-to-Go 1st Pilipinas VisMin Super Cup 2021 2nd Conference sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga del Sur Sabado.

Nakasabwat ni Hallare si Cedric De Joya na nagsalpak ng dalawang free throw sa endgame para selyuhan ang panalo makalipas dumikit ang katungali sa 75-76 sa huling 20 segundo.

SM food to go Banner Ad

Kumayod naman si Edzel Mag-isa ng 11 markers at 12 boards nang maitakbo rin ng Pagadian Explorers ang 56-52 win laban sa Roxas Vanguards. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.