Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Halloween party bawal na

0 48

Mahigpit nang ipagbabawal sa San Juan City ang pagsasagawa ng trick or treat o anumang Halloween activity na ginagawa tuwing bisperas ng Araw ng mga Patay kasabay nito ang pagsasara ng lahat ng mga pribado at pampublikong mga sementeryo at kolumbaryo simula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3, 2020.

Ito’y kasunod ng kautusan ni Mayor Francis Zamora na naglalayong mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente ng lungsod. Pero nilinaw nito na maaari namang gawin ang pagbisita sa mga puntod bago ang mga nabanggit na araw at iniiwasan lamang nito ang pagdagsa ng mga tao sa bibisita sa mga sementeryo. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.