Abante Tonite Interactive

Halo-halong basura nakakalat

362

Magandang araw.

Didiretsuhin ko na kayo. Sobrang bad trip ako sa kapitbahay namin kaya sumulat ako.

Nakatira kami dito sa Quezon City. Malapit sa school ang area namin.

Malaki ang compound ng kapitbahay kong si Lota kaya nagpapa-bedspace siya.

Selosa si Lota at hindi iyon kataka-taka sa hitsura niya. Halo-halo ang mga bedspacer niya. May girl, boy, tomboy at bakla at sa dami nila sa bahay ay marami rin silang basura.

Wala sanang problema kung malinis siya at may hiya sa sarili. Ang kaso ay hinahayaan lang ni Lota na tambak ang mga basura sa tapat ng compound nila.

At dahil may mga askal ding gumagala sa paligid ng street namin ay kinakalkal ang basura nila at napapadpad ang iba sa tapat ng bahay namin.

Bago pa makuha ng mga trak ng basura ang kalat nila ay pinamamahayan na ng mga la­ngaw, uod at mga daga ang dumi nila gaya ng mga used sanitary napkin at toilet paper na may ebs. Super yuck!!!

Seaman ang hubby ni Lota pero siya ay nasa bahay lang. Wala naman siyang ginagawa pero hindi man lang maayos ang basura nila.

Buti pa ang bansang Korea dahil nagkaroon sila ng kahihiyan na bawiin ang tone-toneladang basura nila sa ‘Pinas pero ang kababa­yan ko’y walang paki sa tambak niyang kalat.

Cindy ng Quezon City

Kung kayo ay may kapitbahay na may kahanga-hanga, nakakatuwa, nakakaa­sar o kapanapanabik na kuwento na gusto ninyong i-share dito ay sumulat na agad o mag-email sa ‘Kapitbahay mo, i-blind item mo!’ E-mail: kapitbahay.tonite@gmail.com.