Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Halos 100% nagpabakuna bumalik sa 2nd dose – Isko

0 93

Inianunsiyo ni Manila Mayor Isko Moreno na 98.32% ng mga Manileño na nagpabakuna laban sa COVID-19 simula pa noong Marso 2021 ay bumalik para sa kanilang pangalawa at huling dose.

Kasabay nito, pinuri at ipinagmalaki ng alkalde ang determinasyon ng mga Manileño na maging fully-vaccinated upang proteksyunan ang kanilang sarili at mga mahal sa buhay laban sa coronavirus.

Samantala, nanawagan naman si Moreno sa natitirang 1.68% na hindi pa nakukuha ang kanilang second dose na magkaroon ng panahon upang maturukan na.

“Sa 1.68 percent na ‘di pa nakabalik para sa kanilang second dose, alam ko me trabaho kayo, me hanapbuhay kayo. Nauunawaan namin kayo pero mas maganda magpabakuna kayo as soon as possible.”

Balewala aniya ang unang dose kung hindi kukumpletuhin ang second dose na requirement para matamasa ang proteksiyon laban sa nasabing virus. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.