Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Halos 100 private school sa Cavite magsasara – Gov Jonvic

0 514

Aabot ng 100 private school sa Cavite ang hindi magbubukas ngayong school year 2020-2021 dahil sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic, ayon kay Gov. Jonvic Remulla.

“Sa ngayon ay halos 100 na private schools sa Cavite na ang magsasara para sa school year 2020. Dulot ito ng COVID crisis. Lalo pa madadagdagan ang mga mag-aaral na aasa sa DepEd system,” wika ni Remulla sa kanyang Facebook post.

Hindi naman batid pa kung permanente na o pansamantala lamang ang pagsasara ng mga prive school, ayon pa kay Remulla.

Kamakailan inilahad ng Department of Education na nasa 250,539 estudyante mula sa mga pribadong eskuwelahan ang naglipatan sa mga public school. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.