Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Halos 22K nakarekober, 20K bagong COVID case

0 53

Mayroong 21,962 nakarekober sa COVID-19 habang 20,741 naman ang naitala na bagong kaso nito, batay sa Department of Health (DOH) Case Bulletin No. 539 nitong Sabado ng hapon.

Dahil sa mga bagong kaso ay umakyat sa 2,061,084 ang kabuuang bilang ng mga nagkasakit dahil sa coronavirus. Pumalo naman sa 1,869,376 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.

May 189 katao ang naitala na bagong nasawi kung kaya’t umabot na sa 34,062 ang mga namatay sa pandemya sa bansa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa kabuuang kaso ng mga tinamaan ng COVID ay nasa 157,647 o 7.6% ang aktibo.

Base pa sa DOH, 81 kaso na unang iniulat na nakarekober ang nakumpirmang namatay pala. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.